PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Martin del Rosario on Christian Bables sexual orientation queries

Martin reveals how he answers persistent queries about his sexual orientation.
by Melba R. Llanera
Published Dec 14, 2022
Martin del Rosario on Christian Bables sexual orientation bashers
Martin del Rosario: "Saka ako pag sa bashers, kaya ko yung talent na maririnig ko lang, pasok sa isang tenga labas sa kabila."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Hiningan ng reaksiyon si Martin del Rosario sa pagpatol ni Christian Bables sa bashers na paulit-ulit na kumukuwestiyon sa kanyang sexual orientation.

Noong November 2022, na-beast mode si Christian sa bashers na "interesadong interesado" raw "malaman kung ano ba ang ‘tunay na gender’ ko, na para bang parte yun ng bawat paghinga at pag utot niyo."

Tinawag niyang "utak munggo" at "marites" ang mga nang-uurirat sa kanya.

For the record, nilinaw ni Christian na siya ay straight at attracted sa opposite sex.

Read: Christian Bables beast mode against “utak munggo,” “marites” who keep asking about his real sexuality

Si Martin naman ay nakatrabaho ni Christian Bables sa hit movie na Panti Sisters kunsaan gumanap silang gay men.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 26, 2022, sinabi ni Martin na siya man ay nakaranas na madalas usisain tungkol sa kanyang sexual orientation.

Pero "manhid" na raw siya sa pang-iintriga sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dapat di na niya pinatulan," tukoy ni Martin sa reaksiyon ni Christian sa mga "marites."

Patuloy ni Martin, "For me, di ko na papatulan. Pero kung kailangan niyang i-defend ang sarili niya, okay lang.

"Ako kasi, once in my career, ginawa ko rin yun. Pero ang tagal na kasi, ang tagal ko na rin sa showbiz."

Ang mahalaga ay kilala raw ni Martin ang sarili niya.

"Nasa ABS pa ako nun, nagbigay ako ng statement na, 'This is my last answer,' tungkol sa sexuality din.

"Ako, pag tinatanong uli, di ko na ino-open, di ko na sinasagot.

"Saka ako pag sa bashers, kaya ko yung talent na maririnig ko lang, pasok sa isang tenga labas sa kabila," paliwanag pa ng Kapuso actor.

Sa ulat ng PEP.ph noong January 2019, nasabi na rin ni Martin na hindi na siya apektado sa mga kumukuwestiyon sa kanyang sexuality.

Read: Martin del Rosario on issue about his sexuality: "Ayoko nang sagutin pa, paulit-ulit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

martin is SINGLE FOR NOW

Sa pakikipagkuwentuhan ng PEP.ph kay Martin noong November 2022, naibahagi niyang wala siyang love life ngayon.

"Single, ayoko ng stress sa buhay, e," sabi niya tungkol sa kanyang relationship status.

"Mas gusto ko yung sarili ko lang. Self-love. Para mas mag-grow ako, parang inisip ko mas nakakapag-workout ako nang maayos, nakakalabas ako nang walang issue, yung mga ganyan.

"Even physically, feeling ko mas naalagaan ko ang sarili ko."

Pagtukoy ni Martin tungkol sa huli niyang pakikipagrelasyon: "Matagal na, siguro five years ago. Non-showbiz, lagi namang non-showbiz."

Selosa ba ang nobya niya noon?

Sagot ni Martin, "May mga immature moments. Ako rin pag ano, ina-attack ako ng immaturity. May tendency ako na gumanti din ng immaturity.

"So, parang di healthy. Parang nahawa na rin ako, ayoko ng ganun. Very toxic."

Sa kabilang banda, sinabi rin ni Martin sa sandaling kumatok ang pag-ibig sa puso niya ay bukas siyang magmahal muli.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Oo naman, open ako. If it comes, okay ako. Gusto ko hindi high maintenance, yung simple lang patawanin.

"Yung kayang sakyan ang trip ko, chill lang, mahilig ding mag-travel. Kalma lang."

DREAM HOME FOR HIS PARENTS

Dahil single at maganda ang itinatakbo ng kanyang career, ngayon ay nakakaipon na si Martin.

Isa sa investment niya ngayon ay isang retirement home para sa kanyang mga magulang.

Aniya, "Right now, nakabili ako ng lot, sa Tagaytay. Balak kong patayuan ng retirement home ng parents ko."

Saan siya nakatira ngayon?

"Nasa condo ako, dun ako nag-i-stay ngayon. Naisip ko ngayon hindi ko pa naman need ng house.

"I'm single, what's the need? So, mas inuna ko ang parents ko," sabi ni Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Martin del Rosario: "Saka ako pag sa bashers, kaya ko yung talent na maririnig ko lang, pasok sa isang tenga labas sa kabila."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results