Naghahanda na ang aktor na si Andrew Schimmer para sa nalalapit na pagpapakasal nila ng kanyang partner na si Jho Rovero.
Sa kanyang Facebook noong nakaraang Lunes, December 12, 2022, ibinahagi ni Andrew ang larawan ng dalawang singsing.
Sa caption, sinabi niyang malapit nang mangyari ang inasam-asam nilang pag-iisang dibdib.
Saad ni Andrew, “We will not wait anymore for the right moment to come…by GOD’s grace it will HAPPEN. [crying, praying hands emojis] very very [church, sad face, praying hands emojis]”
Maraming netizens ang naantig sa post na ito ni Andrew, at umaasang magtagumpay ang pagsasama nila ni Jho.



Ito ay kahit nakaratay pa sa ospital si Jho dahil sa kakaibang karamdaman nitong may kaugnayan sa severe hypoxemia na nauwi sa iba’t ibang kumplikasyon.
Lagpas isang taon na sa St. Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City, Taguig City na naka-confine si Jho mula pa noong nakaraang November 2021.
Read: Andrew Schimmer seeks financial help for wife's hospital bills
Sa latest medical update ng aktor sa Facebook noong November 17, 2022, sinabi nitong nasa magandang kundisyon na ang digestive system ni Jho.
Bukod pa rito, very stable na rin ang blood pressure at oxygen saturation ng asawa. Hindi na rin daw ito manas.
Pakiramdam daw ni Andrew ay lumalaban talaga si Jho para mabuhay.
Noong October 10, nakalabas na ng St. Luke’s Medical Center, Taguig City si Jho.
Pero pagkalipas lamang ng isang linggo, muli niya itong isinugod sa ospital para mag-stabilize ang heart rate nito.
Read: Andrew Schimmer’s wife back to hospital one week after coming home
