PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aiko Melendez weighs in on issue about snobbish celebrities

Aiko: "Fame is all temporary but right attitude lasts a lifetime."
by Arniel C. Serato
Published Dec 12, 2022
Aiko Melendez snobbish celebrities
Actress and Quezon City 5th District Councilor Aiko Melendez shares on Facebook her two cents on alleged snubbing incident involving some celebrities: “If you want your fans to respect your private time, I suggest don’t go to public places."
PHOTO/S: Courtesy: Aiko Melendez on Facebook

Umani ng positibong reaksiyon mula sa netizens ang ibinahaging opinyon ni Quezon City Fifth District Councilor at aktres na si Aiko Melendez tungkol sa kung paano makitungo ang celebrities sa mga tagahanga.

Sa kanyang Facebook account noong December 8, 2022, isang mahabang mensahe ang ibinahagi ni Aiko kaugnay ng balitang pang-iisnab umano ng ilang sports personalities sa kanilang mga tagahanga.

Sa kaso raw ni Aiko, kahit gaano siya kapagod ay palagi niyang pinagbibigyan ang mga taong nais magpa-picture sa kanya.

May maganda siyang rason kaugnay nito: hindi raw niya masasaabi na baka iyon na ang una at huling pagkakataong makita niya ang nasabing tao.

Saad ng actress-politician: “My take and view sa pagiging snob ng mga artista. Ako kasi kapag me bumabati sa akin o magpapa-picture kahit gaano na ako kapagod pinagbibigyan ko.

“Ang rason ko lagi hindi naman naten alam kung first and last encounter mo na dun sa taong yun eh so ung mga simpleng gestures like saying, ‘HI!’ Or pagbigyan ng picture taking ok lang yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman kawalan sa pagkatao nyo yan.”

May mga lugar o pagkakataon lamang daw na iniiwasan niyang magpakuha ng larawan sa mga nais magpa-picture sa kanya — sa emergency room ng ospital o kaya sa tabi ng kabaong ng patay.

Saad ni Aiko, “Pwera nalang kung Asa ER ka ng hospital at hindi naman tama ang right timing pwede ka tumanggi. Lahat me right timing eh.

“Like sa pagpunta sa mga lamay at patay as much as possible ayaw ko po nagpapa-picture sa tabi ng kabaong kasi bilang tanda ng aking respeto yun sa namatay at namatayan kaya dun sa mga nagpapakuha inaaya ko sila sa ibang angle, ‘Tara dun tayo sa independent space.’”

Sabi pa ni Aiko, ang mga artista at pulitikong gaya niya, mga atleta, at influencers ay kinukonsiderang public figure kaya nararapat lamang na magbigay sila ng kaunting panahon para sa mga tagahanga.

“Ang Artista, Politicians, athletes influencers etc Considered as a Public figure give credit also to your fans na iniidolo kayo ung simpleng time mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“If you want your fans to respect your private time, I suggest don’t go to public places otherwise hindi mo talaga maiiwasan na me matuwa na nakakakilala syo ang mag hi and hello or papakuha ng picture sa inyo.

“Tandaan Humility! Fame is all temporary but right attitude lasts a lifetime [smiling emoji] GOOD AM! Be nice and kind!”

Noong nakaraang linggo, mainit na pinag-usapan ang diumano’y isyung pang-iisnab ng sikat na volleyball player na si Deanna Wong at ng teammates niya sa Choco Mucho Flying Titans sa ilang fans sa Boracay.

Read: Choco Mucho Flying Titans management issues statement about Deanna Wong, other players alleged snubbing incident

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress and Quezon City 5th District Councilor Aiko Melendez shares on Facebook her two cents on alleged snubbing incident involving some celebrities: “If you want your fans to respect your private time, I suggest don’t go to public places."
PHOTO/S: Courtesy: Aiko Melendez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results