PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

China Roces, Davidson Santos wedding

China Roces and Davidson Santos are now in Maldives for their honeymoon.
by Rommel Gonzales
Published Dec 10, 2022
china roces davidson santos wedding
Actress-vlogger China Roces weds businessman Davidson Santos in a civil ceremony at Parañaque City Hall on December 7, 2022.
PHOTO/S: @yourbabychina on Instagram

Ikinasal ang actress-vlogger na si China Roces sa negosyanteng si Davidson Santos sa Parañaque City Hall, bandang alas singko ng hapon, Miyerkules, December 7, 2022.

Si Presiding Judge Marisa Buenagua ang nagkasal sa kanila.

Pribado ang kasal nina China, 32, at Davidson, 40, dahil piling-pili ang mga kapamilya at kaibigan na dumalo sa selebrasyon.

Simple pero eleganteng puting bestida ang damit-pangkasal ni China, habang nakaputing long sleeves naman si David.

Read: Actress/entrepreneur China Roces engaged to non-showbiz boyfriend

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kina Davidson at China, ipinaliwanag nila ang desisyong huwag ipaalam sa lahat ng kaibigan nila ang tungkol sa kanilang civil wedding.

Pahayag ni Davidson, “Sa side ko kasi… sa mga friends ko halos alam naman na ikakasal ako sa civil wedding talaga. Pero hindi ko lang sinabi yung date kasi gusto ko konti lang muna yung mga makakasama ko.”

Ayon naman kay China, “Ako naman, pinili ko naman yung mga intimate friends lang talaga tsaka family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi kung aanuhin ko naman yung maraming mga friends ko, lalo na sa industry, sobrang dami nila.

"So, ginawa namin to para very special, exclusive, para lang talaga sa malalapit lang na kaibigan tsaka sa family.”

Nakausap ng PEP.ph ang newlyweds sa reception ng kanilang kasal sa Illo's Home Party Place sa Parañaque rin.

china roces davidson santos wedding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa December 2023 o sa first quarter ng 2024 daw balak nina China at David gawin ang kanilang engrande at magarbong kasal sa simbahan.

Bakit sila nagdesisyong magpa-civil wedding muna at hindi church wedding?

“Para maging pormal lang talaga yung pagsasama naming dalawa. Tsaka may edad na rin kasi ako,” mabilis na sagot ni Davidson.

Ano ang nararamdaman nila habang ikinakasal sila?

“Excited po,” sambit ni Davidson.

Wala raw siyang naramdamang nerbiyos habang ikinakasal sila ni China.

“Oo nga, e, chill na chill talaga siya,” reaksiyon ni China.

“Ako ang ninenerbiyos, first time ko, e. Siyempre may halong kaba, excitement, ang daming umiikot sa isip ko.

"Siyempre madami akong failure na ano, di ba, tapos ngayon lang nangyari yung ganitong… na ikakasal ako.”

Umiyak ba si China during their wedding?

“Hindi po, kasi masaya yung judge, e, masaya siyang kausap, e!” sagot niya.

THEIR LOVE STORY

Pitong buwan pa lamang may relasyon sina China at Davidson, pero limang taon na silang magkakilala.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagsimula sila bilang magkaibigan, at may kani-kanya silang karelasyon nang magkakilala.

Isang best friend na babae ni China ang nagpakilala sa kanilang dalawa.

“Na na-meet ko nung 2017,” kuwento ni Davidson.

“Hindi kasi ako lumalabas ng bahay, so madalas nasa bahay lang talaga ako, hindi ako mahilig sa mga bars.

"Nung 2017 nag-explore ako, na-meet ko yung best friend niya, tapos ipinakilala niya sa akin si China sa isang event.”

Sabi naman ni China, “Kasi kami pa nung ex ko noon. So, siya [Davidson] parang na-meet lang namin as a friend.

"And then, nagkaroon ng… nagkagaanan ng loob, sakay kami sa kotse niya, tapos niyayaya niya kami sa bahay niya lagi. So, ginawa namin parang hang-out…”

Mag-isa lamang daw sa bahay niya sa Parañaque si Davidson.

“Pag wala kaming magawa, from Q.C. [Quezon City], punta kami dito,” dagdag ni China.

Taong 2020 nang nagbreak si China at ang dati niyang kasintahan. Kaya sa loob ng apat na taon nila bilang magkaibigan ay pareho silang may ibang karelasyon; si Davidson ay nito lamang May 2022 nakahiwalay ang dati niyang girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailan naramdaman ni Davidson na mahal niya si China?

“This year lang din,” pakli ni Davidson. “Kahit nung magkaibigan kami, wala akong nararamdaman na anything sa kanya.”

Literal na magkaibigan lang daw sila, sabi ni China.

At nang pareho na silang loveless ay doon daw nila naramdamang mahal pala nila ang isa't isa nang higit pa sa pagiging matalik na magkaibigan.

Sabi ni China, “Parang ano, e, wala kaming… na-realize namin na kami lang din yung nagtutulungan, sasamahan ko siya, sasamahan niya ako.”

Kaya makapagpapatunay sina China at Davidson na ang mag-best friends ay puwedeng magkatuluyan?

“Yes,” mabilis na sagot ni Davidson.

Pagsang-ayon ni China, “Oo nga e! Totoo, hindi ko din akalain.”

Nitong August 2022 lamang nag-propose si Davidson kay China.

WHAT THEY LIKE ABOUT EACH OTHER

Tinanong ng PEP.ph sina Davidson at China kung ano pinakanagustuhan nila sa isa't isa.

Ayon kay Davidson, “Masyadong malambing, sweet, at napaka-generous niya, sa lahat, everything, sa pagmamahal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni China, “Maalaga siya, sobrang maalaga. Tsaka gusto niya maging laging happy ka, parang ganun, pinapasaya niya ako palagi.

"Gumagawa siya ng way… kunwari stressed ako, gagawa siya ng way para maging happy ako.”

Isang araw matapos ang civil wedding nila, noong December 8, bumiyahe ang bagong kasal patungong Maldives para sa kanilang siyam na araw na honeymoon.

Bakit Maldives ang pinili nilang puntahan?

Paliwanag ni Davidson, “Scuba diver ako for eleven years, so hobby ko talaga yung mag-ano sa dagat lagi.

“Matagal ko na siyang idea, nagkataon lang na siya na yung kasama ko kaya isasama ko na siya.”

Ano ang maipapangako ni Davidson kay China ngayong mag-asawa na sila?

Saad niya, “Lagi kong sinasabi simula’t sapul na mamahalin ko siya sa hirap at ginhawa. At tatanggapin ko lahat-lahat, kung ano man yung meron siya. Iyon yung lagi kong sinasabi sa kanya.”

Pahayag naman ni China, “Mamahalin ko siya hanggang… habang buhay, hanggang nabubuhay ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-vlogger China Roces weds businessman Davidson Santos in a civil ceremony at Parañaque City Hall on December 7, 2022.
PHOTO/S: @yourbabychina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results