PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kiray Celis on Jovit Baldivino's death

Kiray Celis: "Artista man o hindi, lahat po tayo may problema."
by Arniel C. Serato
Published Dec 9, 2022
kiray celis jovit death
Comedienne Kiray Celis still can't believe that friend and singer Jovit Baldivino (left) died, whom she and some friends shared a good laugh with in an undated boat-ride video (right) that she posted on Facebook today, December 9, 2022.
PHOTO/S: Twitter / Facebook

Hindi makapaniwala ang comedienne na si Kiray Celis sa pagpanaw ng kaibigan niyang si Jovit Baldivino.

Pumanaw si Jovit dahil sa aneurysm ngayong Biyernes, December 9, 2022. Siya ay 29.

Read: Singer Jovit Baldivino dies at 29

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Kiray ang isang video kung saan magkasama sila ni Jovit, ang boyfriend ng aktres na si Stephan Estopia, at ilan pang mga kaibigan na ini-enjoy ang kanilang boat ride habang nagkakantahan.

Sabi ni Kiray sa caption (published as is): “Jovit.... totoo ba to? Ang saya saya pa natin dito.. hindi ka lang naging mabuting kaibigan samin.

"Para ka na naming kapatid eh [sad face emoji] mamimiss ka namin. At mahal na mahal ka namin! [crying, heart emojis]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito ang paglabas ng saloobin ni Kiray tungkol sa realidad sa mundo ng katulad nilang mga artista at performer.

Saad niya, “Pinagbawalan na pala si jovit kumanta, pero may mga nag request kaya ginawa niya.

“HIRAP rin po talagang maging performer o artista..

“Kapag tumanggi ka sa gusto nila, mayabang o nagbago kana.

“Yung kahit malungkot ka, dapat masaya ka sa paningin nila.

“Kahit antok ka dapat hyper ka sakanila.

“Kahit gutom ka dapat nakangiti kapa rin. [sad face emoji]”

Pakiusap ni Kiray sa publiko, sana intindihin ng mga ito na minsan may mga problema ring dinadala ang mga artista na hindi nila alam.

Saad pa niya, “Kaya sana intindihin niyo rin po na tao lang rin kami. Artista man o hindi, lahat po tayo may problema.

"Lahat tayo may pinagdadaanan sa araw araw. Kaya piliin natin umunawa. Piliin nating maging mabait.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa official statement na inilabas ng pamilya ni Jovit, sinabing nagpapagaling pa si Jovit dahil sa hypertension nito nang imbitahan siya ng isang kaibigan sa isang event sa Batangas City.

Bagamat pinagbabawalan pa siya ng kanyang doktor na mag-perform, hindi nakatanggi si Jovit nang hilingan ng mga tao sa event na kumanta.

Sa lumabas na video na kuha sa naturang event ay mapapansing hirap na sa paghinga si Jovit habang kumakanta, pero patuloy pa rin ito sa pagpe-perform.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagkalipas ng isang oras, habang nakaupo, nag-collapse ang singer kaya isinugod ito sa ospital.

Na-comatose si Jovit ng limang araw hanggang sa tuluyan na itong bawian ng buhay kaninang madaling-araw.

Read: Jovit Baldivino’s family confirms singer was in coma five days before his death

Nanawagan din ng dasal si Kiray para sa mga naulila ni Jovit at sa fiancée niyang si Camille Ann Miguel.

Kiray Celis asks for prayers for Jovit Baldivino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

June 2010 nagkakilala at naging magkaibigan sina Kiray at Jovit noong kapwa pa sila nasa poder ng Kapamilya network.

Kiray Celis Jovit Baldivino friendship started

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne Kiray Celis still can't believe that friend and singer Jovit Baldivino (left) died, whom she and some friends shared a good laugh with in an undated boat-ride video (right) that she posted on Facebook today, December 9, 2022.
PHOTO/S: Twitter / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results