Hindi sukat-akalain ng Kapuso actress na si Sanya Lopez na mangyayari sa totoong buhay ang mga eksena sa teleserye.
Ito'y matapos masira ang kanyang suot-suot na sandals habang tinatanggap ang napanalunang award.
Noong Miyerkules ng gabi, November 23, 2022, ginanap ang 44th Catholic Mass Media Awards (CMMA) kung saan si Sanya ang tumanggap sa special citation na Best Drama Series/Program ng pinagbidahan niyang Kapuso prime-time series na First Lady.
Sa Instagram kahapon, November 24, 2022, ginawan ng compilation video ni Sanya ang dalawang magkaibang eksena ng kanyang "tapilok" moment na kuha sa teleserye nilang First Lady at "tanggal strap" naman sa CMMA.
Sa umpisa ng video, makikita ang eksena ni Sanya na ipinakikilala bilang First Lady na si Madam Melody Reyes Acosta, na asawa ni President Glenn Acosta (Gabby Concepcion).
Habang naglalakad papunta sa harapan, hindi inaasahang natapilok siya dahilan para mag-panic ang mga bisita. Tinawag ito ni Sanya na "fantasy."
Sa sumunod na eksena, na tinawag naman niyang "reality," makikita ang highlights ng pagkuha niya ng award sa CMMA.
Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad papunta sa stage ay sandaling napatigil ang aktres nang mapigtas ang strap ng suot niyang sandals.
Pero imbes na tuluyang tumigil ay nagpatuloy sa paglalakad si Sanya kahit na siya ay paika-ika.
Mababasang caption sa kanyang post (published as is): "I didn’t expect na same scene sa First Lady ay mauulit ulit sa pagtanggap ko ng award sa Catholic Mass Media Award.
"It could be sign of something that I should be thankful for dahil sa mga blessings that I’m receiving.
"Thank you CMMA I’m so grateful for the award. Maraming maraming salamat po.
"In behalf of the cast and production of First Lady we are deeply honored [heart emoji].
Samantala, nagbigay naman ito ng aliw sa kanyang mga tagahanga.
Sa comments section ng kanyang post, bumuhos ang pagbati ng mga kapwa niya celebrity. Kabilang sa mga nag-comment ang kanyang mga co-star sa First Lady na sina Gabby at Maxine Medina:




Maliban sa Catholic Mass Media Awards, kinilala rin si Sanya sa Asia Pacific Luminarie bilang Asia’s Most Versatile Actress.
Saad niya sa hiwalay na post, "God is so good. I just received two awards, one from the Catholic Mass Media and another one from the Asia Pacific Luminarie Award.
"Thank you Catholic Mass Media for the recognition you gave to our show First Lady. It’s really an honor and we really appreciate it.
"Also thanks to Asia Pacific Luminarie for the Asia’s Most Versatile Actress which will serve an inspiration to me and I will surely treasure it forever."
