Nagbunga ang panawagang dasal ni Andrew Schimmer para sa asawang si Jho Rovero, na bagamat comatose pa rin ay nagkakaroon na ng improvement ang kalagayan.
Read: Andrew Schimmer asks for prayers anew for wife now diagnosed with “swelling and bleeding”
Sa latest medical update ng aktor sa Facebook nitong Huwebes, November 17, 2022, nasa magandang kundisyon na raw ang digestive system ni Jho.
Bukod pa rito, very stable na rin ang blood pressure at oxygen saturation ng asawa. Hindi na rin daw ito manas.
Pakiramdam daw ni Andrew ay lumalaban talaga si Jho para mabuhay.
Pagbabahagi niya, “Nakakatuwa lang guys kasi she’s very, very strong. And she’s really fighting.
“Maganda yung improvements na ipinapakita niya every day.
“So huwag lang natin bibiglain, huwag nating mamadaliin, step by step uli, little by little.”
Ayon pa kay Andrew, hindi niya susukuan ang laban na ito ng asawa kung saan lagpas isang taon na itong nakaratay sa ospital.
“I will push through. We will push through, promise ko sa inyo yan. I will not stop. I will never stop.
“Everything happens for a reason. May rason ang Panginoon kung bakit tayo binigyan ng konting setback.”
Sa huli, malaki ang pasasalamat ni Andrew sa lahat ng sumusuporta sa kanila.
Aniya, “Again guys, i-update ko kayo palagi. For now, she’s very stable, she’s doing great. Maraming, maraming, maraming, maraming salamat sa inyong lahat.”
Noong October 10, nakalabas na ng St. Luke’s Medical Center, Taguig City si Jho.
Pero pagkalipas lamang ng isangg lingo, muli niya itong isinugod sa ospital para mag-stabilize ang heart rate nito.
Read: Andrew Schimmer’s wife back to hospital one week after coming home
