"Unf**kwithable."
Ito ang malamang pahayag ni Maxene Magalona tungkol sa pagiging deadma niya sa "negativity" na inuugnay sa kanya.
Kahapon, November 17, 2022, ipinost ni Maxene ang urban slang word na iyon kasama ng litrato niyang nakangiti habang naka-yoga pose.
Dugtong ni Maxene sa caption, "When you’re truly at peace and in touch with yourself, nothing anyone says or does bothers you and no negativity can touch you."

Sunud-sunod din ang Instagram Stories ni Maxene na quote cards tungkol sa mga bagay na di na pinag-aaksayahan ng panahon.
Sabi sa isang quote card: "Just sit back and observe. Most things don't deserve a reaction."

Sa isa pang quote card, may paalala na huwag nang panghimasukan ang mga bagay na "not yours to: fix, solve, or even take part in."

Hindi tuwirang binanggit ni Maxene kung ano ang hugot ng kanyang mga post, pero naging laman ito ng pang-iintriga ng iba.
ON BEING DRAGGED INTO ANGEL-NEIL BREAKUP RUMOR
Nitong nagdaang mga araw, may mga kumakalat sa YouTube na unverified information na idinadawit si Maxene sa isa pang unverified information na hiwalay na sina Angel Locsin at Neil Arce.
Si Maxene ay ex-girlfriend ni Neil.
Pero nitong November 17, 2022, nagsalita na si Neil na "fake news" ang pinapakalat ng ilang malisyosong YouTubers tungkol sa kanila ni Angel.
Ayaw nang pag-aksayahan ng enerhiya ng mag-asawa ang pang-iintriga sa kanila, ayon sa statement ni Neil na pinadala sa talent manager/vlogger/comedian na si Ogie Diaz.
Sa madaling salita, ipinahiwatig ni Neil na going strong sila ni Angel.
- Neil Arce reacts to fake news of his separation from wife Angel Locsin over Maxene Magalona
- “Angel Locsin” resurfaces on Facebook months after absence
- Netizens ask: Where is Angel Locsin?
- Dimples Romana sheds light on Angel Locsin’s absence
MAXENE'S HEALING JOURNEY
Sa kaso ni Maxene, bukas ito sa pagbibigay ng update tungkol sa kanyang healing journey matapos ang hiwalayan nila ng mister na si Rob Mananquil.
Binigyan din niya ng panahon ang sarili na hilumin pati ang iba pang "pain, traumas, and suffering" na pinagdaanan niya sa buhay.
- Maxene Magalona reveals how she handled breakup with husband Rob Mananquil
- Maxene Magalona confirms she’s now single months after rumored split from husband Rob Mananquil
- IN PHOTOS: Maxene Magalona and Rob Mananquil's church wedding
- Maxene Magalona bonds with in-laws amid breakup rumor with husband Rob Mananquil
Naging tapat ang aktres sa pagsasabing sa kabila ng mga natutunan niya ay may mga pagkakataon pa ring nagkakamali siya.
Base ito sa Instagram post ni Maxene, nitong November 16, 2022, na nagsasabing hindi niya kailangang maging perpekto.
Bahagi ng pahayag niya: "So here I am, getting back up after another fall which is totally fine with me.
"Although I admit that it sucks when this happens because failing makes me feel like I’m a failure. Which I am not. I make mistakes but I am NOT a mistake.
"I completely understand that I am only human and that I will make mistakes one way or another in this lifetime.
"I just have to be patient with myself and rest in the knowing that I’m always trying and doing my best. That will always be enough to me because I know that I am enough.
Nagpaabot naman ng suporta kay Maxene ang ilang mga artista.

