PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allen Dizon on working with Nora Aunor and Laurice Guillen

Allen Dizon names his top three favorite films.
by Rommel Gonzales
Published Nov 14, 2022
allen dizon 25th anniversary
Award-winning actor Allen Dizon celebrates his 25th anniversary in showbiz. In those years, Allen has done more than 100 films and has received 48 acting awards, locally and internationally.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Ang Curacha Ang Babaeng Walang Pahinga ang pinakaunang pelikula ni Allen Dizon. Pinagbidahan ito ni Rosanna Roces at mula sa direksiyon ni Chito Roño, ipinalabas ito noong 1998.

“Si Ara Mina yung ka-partner ko dun,” pagbabalik-tanaw ni Allen nang nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa intimate lunch na ipinatawag ng manager niyang si Dennis Evangelista noong Martes, November 8, 2022, sa Pandan Asian Café sa Tomas Morato, Quezon City.

Kaugnay ito ng pagdiriwang ng 25th anniversary ng aktor sa showbiz.

Sa dalawampu’t limang taon niya sa showbiz ay mahigit isandaang pelikula na ang nagagawa ni Allen.

Ang mas nakamamangha ay mayroon na siyang apatnapu’t walong (48) acting awards mula sa iba't ibang award-giving bodies dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Read: Is Allen Dizon disappointed at lack of showbiz opportunities despite international acclaim?

TOP THREE FAVORITE FILMS

Hiningan ng PEP.ph si Allen ng top three na pinakapaborito niya sa mga pelikulang nagawa na niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasama yung Dukot [2009] siyempre, iyon yung first movie namin ni Direk Joel Lamangan, tapos yung Bomba [2017] and Magkakabaung [2014].”

Espesyal sa kanya ang Magkakabaung dahil humakot siya ng mga acting award para rito at isa itong Kapampangan film; si Allen ay tubong-Pampanga.

allen dizon magkakabaung

Pagpapatuloy pa niya, “Iyon yung mga natapos ko na, marami na rin silang festival na nasalihan. Pero yung mga ginawa ko lately kasama rin siya sa mga top na gusto kong mga pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay lima ang bagong pelikula ni Allen na hindi pa naipapalabas: Ligalig, Oras De Peligro, Walker, Abenida, at Pamilya Sa Dilim.

Hindi nakapasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 ang Ligalig na pelikula nina Allen, Snooky Serna, at ng Superstar na si Nora Aunor.

Read: Allen Dizon says "dream come true" to be co-starring with National Artist Nora Aunor in new film

Ayon kay Allen, “Siyempre disappointed kaming lahat kasi ginawa namin yung pelikula para talaga sa MMFF, para sa filmfest.

“Pero siguro may reason naman talaga kung bakit, siguro may mas magandang mangyayari sa pelikulang Ligalig.”

“Pulis, mabait na pulis, family man siya,” deskripsyon ni Allen sa papel niya sa Ligalig.

Pulis din ang role niya sa Walker at sa Pamilya sa Dilim.

“Oo nga, nata-timing yung pagka-pulis ko. Pero iba naman sa Ligalig kasi horror siya e, suspense.

"Ang istorya kasi nun nangyari sa isang bahay, yung lahat ng ginawa niyang kababalaghan, nangyari sa isang bahay lang, sa pamilya ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Maid namin si Ate Guy. Siya yung nag-alaga sa akin nung bata pa ako, parang nanay ko na rin siya dun sa pelikula.

"Si Snooky, siya yung asawa ko,” kuwento pa ni Allen tungkol sa pelikula nilang Ligalig.

ON WORKING WITH A NATIONAL ARTIST

Unang beses nilang pagsasama sa isang pelikula ng Superstar.

Ano ang pakiramdam na sa wakas ay nakasama na niya sa pelikula si Nora, na isa ring National Artist?

allen dizon nora aunor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre ano yun, dream come true, di ba?" sambit ni Allen.

"Parang sa lahat ng mga pelikula ni Ate Guy, sa mga achievements niya, sa mga ginawa niyang pelikula, siyempre nakaka-proud para makasama ang isang Ate Guy.

“Dahil kahit papaano, hindi na rin siya masyadong gumagawa ng pelikula and hindi siya gumagawa ng mga teleserye, dahil siyempre medyo nahihirapan na rin siya sa mga mahirap na eksena.

"Kaya malaking bagay na nakasama ko siya sa Ligalig, kasi tinanggap niya yung pelikula na kasama niya ako sa pelikula.”

Ano ang pinakamabigat o pinakamatinding eksena nila ni Ate Guy sa Ligalig?

“Hindi kami masyadong... wala kaming masyadong dramatic na eksena kasi more on usap-usap lang kami, e.

"Alam mo naman si Ate Guy, e, mata-mata lang ang ginagamit niya lagi.”

Pinuri rin ni Allen ang actress-director na si Laurice Guillen na co-star naman niya sa Pamilya Sa Dilim.

pamilya sa dilim

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Therese Malvar, Allen Dizon, and Laurice Guillen in Pamilya Sa Dilim

Ayon kay Allen, “Iba rin yun, iba rin yung sa Pamilya Sa Dilim.

“Siyempre, nag-iisang Laurice Guillen din iyan. Kumbaga, sobrang sarap niyang katrabaho.

“Very professional and mataray siya bilang artista. Feeling ko, pati pagdidirek medyo mataray din si Direk Laurice, pero ang galing niyang katrabaho.

“Pinag-uusapan namin kung ano yung gagawin namin, pinag-uusapan namin kung paano ba yung time na eksena namin na magnanay kami, may scene na medyo intimate yung mga scene namin.

“Nanay ko siya, pero yung senior na role ko… siya yung batang Ina Feleo. So, siya rin yung parang asawa ko na rin.”

Sa telebisyon ay katatapos lamang ni Allen sa Return To Paradise kasama sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Eula Valdes.

Katatapos din ni Allen sa guesting niya sa Magpakailanman sa GMA-7 sa episode na "My Kidney Belongs To You" nina Sanya Lopez at Rocco Nacino noong Agosto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning actor Allen Dizon celebrates his 25th anniversary in showbiz. In those years, Allen has done more than 100 films and has received 48 acting awards, locally and internationally.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results