PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana on divorce from husband Tom Rodriguez

Carla: "At this point, parang hindi ko kakayanin if ever he calls."
by Arniel C. Serato
Published Nov 12, 2022
Carla Abellana on divorce with Tom Rodriguez
Actress Carla Abellana on divorce with estranged husband Tom Rodriguez: “Parang hindi pa siya fully nagsi-sink in. Siguro mas doon pa siya magsi-sink in sa akin pag siguro yung dito na na proseso or dito na naasikaso at na-recognize na siya ng Philippine court."
PHOTO/S: Courtesy: @carlaangeline / @akosimangtomas on Instagram

Inamin ni Carla Abellana na hindi pa rin nawawala ang sakit dulot ng paghihiwalay nila ng estranged husband niyang si Tom Rodriguez.

Sa panayam ni Nelson Canlas para sa podcast na Updated with Nelson Calas at inere sa 24 Oras kagabi, November 11, 2022, inamin ng aktres na hindi ganun kadali mawala ang sakit dulot ng kanilang biglaang hiwalayan.

Saad ni Carla, “Oo, definitely. I won’t even hesitate to answer and say yes definitely, but ang pain kasi doesn’t disappear overnight.

“Gustuhin mo mang mawala na yung pain, which in a way something you cannot control, ako, I recognize it na nandiyan pa siya, nandiyan pa siya definitely, nandiyan pa siya.

“Ayoko namang sabihing wala kasi hindi rin totoo yun, so definitely nandiyan pa iyan and matagal pa iyang proseso.”

Hindi pa rin daw nagsi-sink in kay Carla ang salitang “divorce” kung saan sinabi ng estranged husband niyang “divorced” na siya sa aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tom Rodriguez finally speaks up on split with Carla Abellana; reveals he is already divorced

Pahayag ni Carla, “Number one kasi, divorce doesn’t exists in the Philippines dahil ang foreign nung divorce, wala kasi sa atin, hindi pina-practice dito.

“Parang hindi pa siya fully nagsi-sink in. Siguro mas doon pa siya magsi-sink in sa akin pag siguro yung dito na na proseso, or dito na naasikaso at na-recognize na siya ng Philippine court."

Noong June 17, 2022, ibinunyag ni Tom na diborsiyado na siya kay Carla. Isang U.S. citizen si Tom kaya maaari siyang mag-file ng divorce.

Pero kikilalanin lang ito sa Pilipinas matapos mag-file at aprubahan ng korte ang petition for recognition of foreign divorce decree.

Ayon sa law journals, walang divorce sa Pilipinas pero kapag ang isang banyagang asawa ay makakuha ng divorce sa ibang bansa, maaari na ring mag-asawa ang Pinoy o Pinay na dating asawa ng nasabing banyaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad sa https://honolulupcg.dfa.gov.ph: "The foreign divorce decree must be judicially enforced or confirmed in the Philippines by filing the proper civil action at the Regional Trial Court in the Philippines (RTC-Phil).

"The court decision shall be registered in the Local Civil registry Office (LCRO) where the concerned RTC-Phil functions.

"The registered document shall be submitted to the Local Civil Registrar where the marriage is registered. If the marriage was registered overseas, the registered document shall be submitted to the City Civil Registry Office at the Manila City Hall (CCRO Manila)."

“NOT YET READY TO TALK”

Kinumusta rin ni Nelson kay Carla ang lagay ng puso nito ngayon.

Sagot ng Kapuso actress, “My heart is, I don’t know where to find. Hindi ko alam kung saan yung heart ko, nawawala.

“Sa dami ng pinagdadaanan ng puso, dapat alagaan, parang ganun. So, inaalagaan ko, inaalagaan ko yung sarili kong puso.”

Nag-reach out na ba si Tom sa kanya matapos silang maghiwalay?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, “Ah, no, no. The last time na nakita ko siya was in February [2022], but since then, no.”

May love pa ba siya kay Tom?

Natatawang sagot ni Carla, “Oh my gosh, hot seat ito!

"Honestly, hindi ko masasagot na yes or no. Like I said, yung love naman hindi siya nagdi-disappear or parang hindi mo nababawasan nang kusa.”

Kapag tumawag ba si Tom ay sasagutin niya?

Diretsong sagot ni Carla, “Hindi. Hindi muna.

"At this point, parang hindi ko kakayanin if ever he calls, hindi ko kakayaning kausapin siya."

Ikinagulat ng publiko ang balitang hiwalayan nina Carla at Tom noong January 2022, tatlong buwan lang mula nang ikasal sila noong October 2021.

Nag-ugat ang hiwalayan ng dalawa dahil sa diumano’y infidelity ni Tom, ayon sa ama ni Carla na si Rey "PJ" Abellana.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Carla Abellana on divorce with estranged husband Tom Rodriguez: “Parang hindi pa siya fully nagsi-sink in. Siguro mas doon pa siya magsi-sink in sa akin pag siguro yung dito na na proseso or dito na naasikaso at na-recognize na siya ng Philippine court."
PHOTO/S: Courtesy: @carlaangeline / @akosimangtomas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results