Ikinadismaya at ikinagalit ni Ronnie Liang ang natanggap niyang offer para gumawa ng porn movie.
Sa Facebook ngayong Huwebes, November 10, 2022, ibinahagi ng singer-actor ang kanyang saloobin ukol dito.
Aniya, hindi siya nag-aral ng kolehiyo at masteral degree para lamang iladlad ang pribadong bahagi ng kanyang katawan sa publiko.
Pahayag ni Ronnie, “I got pissed off and disappointed. I was offered and urged to do PORN movies... Thanks, but NO thanks po.
“I did not sacrifice and study hard all these years only to show my private parts in public—Nakakahiya."
Hindi naman sa pagmamayabang, aniya, isa na rin siyang reservist sa Army bukod sa pagkakaroon ng Master’s degree.
Read: Ronnie Liang promoted to 1st lieutenant of Army Reserve
Nagtapos siya ng Master’s Degree in Management, Major in National Security and Administration (MMNSA) mula sa Philippine Christian University (PCU) noong August 2020.
Read: Ronnie Liang pursues master's degree in Management
Ani Ronnie, “Without trying to brag, I am already an Army Reservist Officer, a pilot, a Master's degree holder, a Brand Ambassador of some companies, and other government agencies.
“Madami pa po ako pwedeng gawin at pag ginawa ko yan madaming mawawala sa akin.”
Bukod dito, isa rin siyang Christian at ang lahat ng mga ginagawa nito ay iniaalay niya sa Panginoon.
Importante rin daw sa kanya ang respeto sa sarili at sa mga kapwa nasa showbiz at sa labas nito.
Wala rin daw problema sa kanya kung wala siyang movie project sa ngayon.
Biro nga ni Ronnie, hanggang topless lang ang kaya niyang gawin gaya ng larawang inilakip nito sa kanyang post.
Saad niya, “Most importantly, please understand that I am a Christian and a follower of Christ. Whatever I have achieved and everything I do is for the honor and glory of God.
“I am not perfect, super rich, or super famous, but to me, fame and money are only temporary. Self-respect and the respect of my colleagues in and out of showbiz are forever more vital to me.
“Okay lang naman po kung wala akong movie or project. Sa iba nyo na lang po ibigay ang lead role na yan.
“Hanggang ganito lang po ang pwede ko ipakita.”
Isa ring lisensiyadong piloto si Ronnie.
