Pinatunayan ni Maja Salvador na walang katotohanan ang haka-hakang may tampuhan sila ng ABS-CBN management matapos lisanin ng aktres ang dating broadcast giant noong September 2020.
Makalipas ang halos dalawang taon, muling mapapanood si Maja sa The Iron Heart, ang pinakabagong teleserye ng Kapamilya network.
Read: Maja Salvador confirms return to ABS-CBN via "Iron Heart"
Matapos iwan ni Maja ang ABS-CBN ay naging freelance artist siya.
Tatlo ang naging programa niya sa TV5: ang defunct weekly musical-variety show na Sunday Noontime Live!; ang primetime series na Niño Niño, na nakadalawang season na; at ang sitcom na Oh My Korona!.
Bukod dito, regular co-host na siya ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga!.
Sa ginanap na media launch ng The Iron Heart sa Dolphy Theater, noong November 5, 2022, humarap sa entertainment press si Maja kasama ang iba pang bida ng serye na sina Richard Gutierrez, Sue Ramirez, Jake Cuenca, Dimples Romana, Pepe Herrera, Baron Geisler, Sofia Andres, Althea Ruedas, at Meryll Soriano.
Dito ay natanong ang actress-TV host kung ano ang nagpapayag sa kanyang tanggapin ang "special role" at magbalik sa Kapamilya network para sa isang proyekto.
Saad ni Maja, “Madali lang ako napapayag. Of course, it’s under Star Creatives.
"Ang dami ko na nagawang magagandang shows sa Star Creatives – Legal Wife, Bridges of Love – iba yung alaga sa akin ng Star Creatives family.
"And then, nung sinabi na show with Richard, sabi ko sige pakinggan ko because baka ito na yung tamang panahon para magsama kami ni Chard.
"After nun, sabi niyo nga may konting revision [sa kuwento], and then lumipad na po ako agad-agad sa Cebu."
Malaki rin ang pasasalamat ni Richard kay Maja sa pagtanggap nito sa proyekto na mapapanood simula November 14.
Ani Richard, "Very thankful [ako] kay Maja and sa team niya dahil ilang beses na rin kaming nag-try na mag team-up sa isang show. Finally, ito, natuloy kami sa The Iron Heart.
"Eksakto yung timing ng pagpasok ni Maja dito sa The Iron Heart. We couldn't be happier to have her onboard.
"We're very thankful kay Maja na tinanggap niya at naging part siya nito."
Sa huli ay hindi nakalimutang pasalamatan ni Maja ang ABS-CBN, ang kanyang home network sa loob ng labinwalong taon sa muling pagtanggap sa kanya.
Mensahe niya, "Thank you sa ABS-CBN, para i-offer po sa akin itong napakagandang role.
"Hindi siya bago sa akin pero sobrang importante ito because it's ABS-CBN.
"Ang ABS-CBN ay ang ganda gumawa ng isang teleserye."
Dagdag pa niya, "Na-miss ko gumawa ng isang love story."
Read more:
