Mukhang hindi pa sanay si Korina Sanchez, 58, na matawag siyang “tita.”
Ito ang laman ng post ng veteran broadcast journalist sa kanyang recent Instagram post.
Masayang ibinahagi ni Korina ang bonding moment niya kasama ang A-list stars na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Piolo Pascual.
Kasama rin nila sina Alora Sasam at David Chua.
Ang post ni Korina nitong Huwebes, November 3, 2022, ay kuha ng pakikipag-bonding niya sa El Nido, Palawan.
Ani Korina, “It’s as if nasa alapaap ka when surrounded by the constellations hahaha! In Isla Amara and then in Lime in El Nido I found myself amongst royal celebritydom.”
Pero ang higit na nagmarka kay Korina ay ang pagtawag sa kanya ng "tita" nina Kathryn at Daniel.
Ibinahagi ni Korina ang pakikipag-usap niya sa KathNiel kina Piolo, Alora, at David.
Post ni Korina: “Kathryn Bernardo: ‘Hi Tita! Wow why are you so fit?’
“Daniel Padilla: ‘Hi Tita! You know, this is probably the most random place I'd expect to bump into you.’
“Alora Sasam: ‘Madaaaaame, cheers!’
“David Chua: “Ate, sigurado ka okay ka lang?’”
Ang nasambit daw ni Korina kay Piolo: “Sanay naman ako sa ganitong eksena. Pero never yata ako masasanay na tawaging Tita!”
Sagot daw ni Piolo sa kanya, “That’s your badge of honor, K.”
Dugtong ni Korina, “Oh well, salamat naman di ako tinawag na Tita ni Papa P.
“At salamat David hanggang Ate lang akoh.
"Cheers Alora and KathNiel, you will always be two of my fave people ever.”
Sa comments section, sinabi ng isang netizen kay Korina (published as is): “parang hindi nman nalalayo itsura mo sa kanila ma’am K, ate ka lng talaga!!!”
Reply ng anchor: “Yun na nga sana end na sa Ate wag na promote sa Tita [laughing emoji]”

Ikinatuwa naman ng ibang netizens ang pagiging candid ni Korina.
"Cheers!" sabi ng broadcast journalist.
