PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Torres overwhelmed by praises for her portrayal as Sisa

Andrea: "Sobrang laking bagay...ako rin pinapaiyak niyo."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 4, 2022
Andrea Torres-Sisa
Andrea Torres to netizens: "Gusto ko lang malaman niyo na nakikita at nababasa ko ang mga posts niyo. Sobrang laking bagay hay kung alam niyo lang! Ang katotohanan niyan ako rin pinapaiyak niyo. Hehe."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube

Walang mapagsidlan ang saya at pasasalamat ng Kapuso actress na si Andrea Torres sa walang tigil na papuring natatanggap niya mula sa netizens at televiewers.

Mula pa noong Martes, November 2, hanggang ngayong November 4, 2022, ay patuloy na usap-usapan ang kanyang nakakaantig na pagganap bilang Sisa sa historical portal fantasy ng GMA-7 na Maria Clara at Ibarra.

Read: Andrea Torres earns praise for breakdown scene as Sisa in "Maria Clara at Ibarra"

Nananatiling nasa top trending topic sa Twitter Philippines ang pangalan ni Andrea.

Andrea Torres-Trending

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa netizens, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila maka-move on sa husay na ipinamalas ng aktres upang pangatawanan ang kanyang karakter sa serye.

Andrea Torres-Trending

Maging ang talent manager na si Ogie Diaz ay nahusayan din sa Kapuso actress nang i-retweet nito ang tweet ng isang netizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption ni Ogie: "Mahusay si @andreaetorres in fairness. Consistent!"

Nitong Huwebes, November 3, muling nagpasalamat si Andrea sa mga nagpaabot ng papuri.

Mensahe niya: "Gusto ko lang malaman niyo na nakikita at nababasa ko ang mga posts niyo [red heart emoji].

"Sobrang laking bagay hay kung alam niyo lang! Ang katotohanan niyan ako rin pinapaiyak niyo. Hehe.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"[Hindi] ako magsasawang magpasalamat [smile emoji]."

Dagdag pa ng aktres, "Patuloy po natin sundan ang kwento. Napakarami pong aabangan."

Si Andrea ang gumaganap bilang Sisa sa Maria Clara at Ibarra, na hango sa librong isinulat ni Dr. Jose Rizal, ang Noli Me Tangere.

Nagsimulang pag-usapan sa social media ang kanyang karakter bilang Sisa nang siya ay mawala sa katinuan dahil sa pagkawala ng mga anak niyang sina Basilio at Crispin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng 24 Oras kay Andrea kahapon, November 3, inamin niyang isa ito sa mabigat ngunit fulfilling na eksena na kanyang ginawa.

Saad niya, "Gusto ko rin mabigyan ng mas malalim na kahulugan si Sisa para sa kanila [viewers]."

Bukod kasi sa kurot sa puso na linya at hagulgol na eksena, tumagal din ng anim na minuto ang monologue na kanyang ginawa.

Saad ni Andrea, "Ang sarap sa pakiramdam kasi kahit ako, hindi ko na siya pinlano.

"Parang inintindi ko na lang yung role ko and kung ano yung dapat nararamdaman ko sa time na yun."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres to netizens: "Gusto ko lang malaman niyo na nakikita at nababasa ko ang mga posts niyo. Sobrang laking bagay hay kung alam niyo lang! Ang katotohanan niyan ako rin pinapaiyak niyo. Hehe."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results