Unti-unting nagiging bukas sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa namumuong magandang pagtitinginan nila.
Sa bakasyon ng kanilang barkada sa Tokyo, Japan, makikitang sweet sila sa isa't isa kahit sa group photos nila.
May kuha si Zanjoe na nakaakbay kay Ria, at nakayakap naman si Ria kay Zanjoe habang naglalakad sila sa kalsada.
Kasama nila sa litrato ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na magka-holding hands naman.

May picture din sina Zanjoe at Ria kunsaan magkadikit sila at nakahilig ang ulo ni Ria sa balikat ni Zanjoe. Kuha iyon sa restaurant kasama ang kaibigan nilang si Joshua Garcia.
Tila magkayakap din sila sa isang picture na kuha sa overpass na kita ang street sa Tokyo.

Magkaakbay rin sina Zanjoe at Ria sa barkada picture na nakasuot sila ng Minion hats.

Narito ang isa pang stolen shot ni Joshua kina Zanjoe at Ria:

Si Joshua ang unang nag-post ng mga litrato ng Halloween vacation ng grupo nila sa Tokyo, Japan.
Read: Joshua Garcia shows photo of Zanjoe Marudo, Ria Atayde in Japan
Noong October 2022, ang ina mismo ni Ria na si Sylvia Atayde ang nagsapubliko na "dating" ang relationship status nina Ria at Zanjoe.
Read: Zanjoe Marudo and Ria Atayde are dating, Sylvia Sanchez reveals
Huling nakarelasyon ni Zanjoe ay ang Filipino-Australian model-surfer na si Josie Prendergast. Napabalitang hiwalay na sila noong November 2020.
MORE STORIES:
