PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aiko Melendez on Mano Po Legacy: The Flower Sisters billing

"...it doesn’t matter kung equal billing kaming lahat."
by Rommel Gonzales
Published Nov 6, 2022
Aiko Melendez for Mano Po Legacy: The Flower Sisters
Aiko Melendez plays Lily, one of the Chua sisters in GMA-7 series Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram

Kahit na isang lehitimong Regal Baby si Aiko Melendez, ni minsan ay hindi siya nakagawa ng Mano Po movie.

“First ko itong Mano Po,” umpisang sinabi ni Aiko, na gumaganap bilang si Lily Chua sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters, na collaboration ng Regal Entertainment at GMA Network.

Hindi naman raw siya nagtampo kahit na hindi siya nakalabas sa alinman sa pitong pelikula ng ng Mano Po franchise.

“Hindi naman,” ang nakangiting wika ni Aiko.

Ilan sa mga mahuhusay at sikat na aktres na nakagawa na ng Mano Po movie ay sina , Susan Roces,Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Lorna Tolentino,Kris Aquino, Zsa Zsa Padilla, Heart Evangelista, Angel Locsin, at Judy Ann Santos.

Ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters ang comeback ni Aiko sa pag-arte matapos niyang magwagi bilang konsehal ng 5th District ng Quezon City sa nakaraang May 2022 elections.

Hindi ba mahirap pagsabayin ang pagiging public servant at pagiging artista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin ni Aiko, “Mahirap. In fact, kahapon bumigay na yung katawan ko talaga. Thank god negative ako, wala akong COVID and sobra lang talagang over-fatigue lang talaga ako kaya kailangan din ng pahi-pahinga.

“Mahirap pero kasi kung gugustuhin mo ang isang bagay, e, may paraan, e. 'Tsaka the reason why I’m going back to show business din, kasi hindi ko naman pinagkakakitaan ang pulitika, e.

“Ang show business kasi is my bread and butter, and this is where I get my money to spend na kung anong gusto kong bilhin, kung meron akong goal, dito ko kinukuha. So kaya kailangan ko ring bumalik sa showbiz.

"In fact, nag-post ako sa Facebook ko dati, nagpaalam naman ako sa mga constituents ko na sana payagan nila ako kasi yung half naman ng kikitain ko rito, e, pangtutulong ko rin naman yun, para sa kanila rin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa face-to-face mediacon ng Mano Po Legacy: The Flowers Sisters, kung saan apat silang bidang Chua sisters: si Aiko bilang Lily, si Thea Tolentino bilang Dahlia, si Angel Guardian bilang Iris, at si Beauty Gonzalez bilang Violet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WORKING WITH BEAUTY GONZALEZ

Samantala, pantay-pantay ang billing sa apat na bida ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Issue ba kay Aiko na same billing sila ni Beauty, na noong nasa Kapamilya network pa ay bida sa Kadenang Ginto na siyang itinapat sa Prima Donnas ni Aiko?

“Ay no, not at all! Not at all. Sa akin ano, e, dumaan din ako sa pagiging ano, e, newcomer.

"And then sa akin, it doesn’t matter kung equal billing kaming lahat.

“And I’ve always said this in my interviews na I’ve always been excited to work with Beauty kasi nga, di ba, ang sarap nung ano na magkatapat yung show namin dati, Kadenang Ginto and Prima Donnas, 'tapos kami na ang magkasama ngayon. So happy ako.”

Sa isang panayam ay sinabi ni Beauty na idolo nito si Aiko at dream come true na makasama niya si Aiko sa isang serye.

“'Tsaka nakaka-flatter, sobrang, alam niyo, isang nakilala ko si Beauty dito kasi dati nakasama ko siya sa endorsement shoot [for a skin-care brand], bait na bait na ako sa kanya. Kasama pa niya yung husband niya, si Norman [Crisologo] nun. So maiksi lang yun, e, mga limang oras lang kaming nagsama.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi ko, ‘Alam ko, magki-click kami nito!’”

May common non-showbiz friend pa sila ni Beauty, si Agnes Mora.

“Nung first day pa lang nung nag-taping kami [for The Flower Sisters] tama nga, nag-click nga kami.

“Dahil pareho kaming lukaret!”

Bakit niya nasabing pareho silang lukaret?

“Kasi ano, e, pagka nasa set kami, wala kaming ginawa kundi tawa nang tawa.

"'Tapos kunyari pag may nagkamali sa amin sa linya sa isa, meron ako nalaman na word sa kanya, 'Giatay!' Na minsan naaano ko na rin sa, ‘Giatay!’”

Ang “Giatay” ay lintik sa Tagalog o damned sa English.

“'Tapos meron kaming mga sharing, siyempre sa mga love life, hindi nawawala. Siyempre siya, married siya.”

WEDDING BELLS FOR AIKO AND CONGRESSMAN JAY KHONGHUN?

Speaking of which, wala pa bang plano sina Aiko at Zambales District 1 Congressman Jay Khonghun na magpakasal?

“Di ba dapat hindi sa akin nanggagaling iyan kasi babae pa rin ako. Dapat sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Handa ba siya sakaling yayain na siyang magpakasal ni Congressman Jay?

“Siyempre gusto ko pa ring magpakasal. Pero siyempre ayoko namang umabot ng fifty years old naka-gown pa rin ako, di ba? Parang time is ticking na din naman, di ba?

“Gusto ko rin naman makahanap, nahanap ko rin naman na sa kanya yung gusto kong makasama at kasundo siya ng anak ko, so winner na rin, di ba?

“Blessed naman ako sa lahat ng aspeto ng buhay ko.”

Ang pagpapakasal na nga lang ang kulang sa buhay ni Aiko.

“Oo, actually iyon na lang.”

Limang taon na silang magkarelasyon ni Congressman Jay nitong October 28, 2022.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez plays Lily, one of the Chua sisters in GMA-7 series Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results