Nagdadalamhati ngayon ang singer-songwriter na si Daryl Ong sa pagpanaw ng pinakamamahal niyang ina.
Sa kanyang madamdaming Instagram post noong October 31, 2022, inihayag ni Daryl ang paghihinagpis.
Kalakip ang mga kuhang litrato ng masasayang alaala kasama ang kanyang nanay noong kabataan ng singer hanggang sa maikasal siya sa kapwa singer na si Dea Formilleza noong March 12, 2022.
Read: Singer Daryl Ong now married to longtime girlfriend Dea Formilleza
Caption ni Daryl (published as is): "I never thought na mawawalan ako ng nanay ng ganito kaaga sa buhay.
"My life will NEVER be the same without you.
"I will miss you terribly, until I see you again one day, in heaven.
"No more pain Mami. I love you so much [broken heart and pray emoji]."
Hindi binanggit ni Daryl kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ina.
Sa isa pang post noong November 1, 2022 sa Facebook, muling ibinahagi ni Daryl ang sakit na kanyang nararamdaman.
Sa caption, ramdam man ang kalungkutan, nanaig kay Daryl ang pagmamahal niya sa ina na ngayon ay wala na raw dadanasing sakit at karamdaman.
Mensahe niya: "Ganito pala ang pakiramdam mawalan ng ina.
"Walang salita ang makapagpapaliwanag ng sakit.
"Ang tanging iisipin ko [na lang] ay atleast wala ka ng dadanasing paghihirap at karamdaman Ma."
Dagdag pa niya, "Mahal na mahal kita Mami."
Samantala, sa comments section ng kanyang post, bumaha ang pakikiramay mula sa kanyang fans at kaibigan, kabilang na ang ilang celebrities.


Sa kanyang Instagram stories ngayong araw, November 3, 2022, nagpasalamat din si Daryl sa mga nagpadala ng bulaklak.
Aniya, "Thank you so much sa mga nagpadala ng flowers. For sure tuwang-tuwa si Mami. Nakapahilig sa bulaklak."

