Ipinakilala sa entertainment press nitong nakaraang Martes, October 25, 2022, ang pop singer na si Tera sa isang media launch na ginanap sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City.

Si Tera ay isa sa mga bagong talent ng Tyrone Escalante Artist Management (TEAM), na siya ring nagma-manage kina Jane de Leon, Kelvin Miranda, Vance Larena, Calista at marami pang iba.
Ang latest single niyang “Higher Dosage” ay isinulat daw ni Tera noong 2019, at co-produced din ng Merlion Events Production Inc.
Maliban sa "Higher Dosage," ilan pa sa single na ipanadinig sa media ay ang mga awitin nitong “Sa Dilim” at “Facade.”
Tinanong namin si Tera kung ano ang mga pinagdaanan o kaya'y inspirasyon niya para sa paglikha ng kanyang mga kanta.
Kuwento niya, “At the age of 11 or 12 years old, my parents separated and it was a very sharp turn for my siblings and I, that’s one of the struggles that I used to experience. I still experience it, but it’s not as heavy as it is now.”
Lubus-lubos ang pasasalamat ni Tera sa pag-recognize ng kanyang talento bilang isang legit singer at composer. Bukod pa rito ay magaling din pala siyang dancer.
Pag-amin niya, “I feel very humbled, and grateful that I was given this chance, this opportunity, that not a lot of people didn’t have.
“That’s all I can say, and I do hope that my fellow talents in the Philippines, please don’t ever give up on your dreams because you will make it someday, and you will make it by working hard and just never give up on it.
“Huwag mong bibitawan yung pangako mo sa sarili mo at a very young age na you want to be a singer, a painter, an artist, a dancer, whatever it is, huwag mong bibitawan. Just keep doing it, and God will give it to you eventually.”
Inalam din namin ang kanyang mga local o foreign inspirations.
Lahad niya, “Local, number one talaga diyan si Ms. Lea Salonga, and Ms. Sarah Geronimo is another local artist that I’m inspired of. For international artist, I would like to say Michael Jackson and Beyoncé.
“Very great performers yung mga napili ko kasi I’d also like to become a great performer. Lea Salonga, I can’t ever forget Lea Salonga’s 'On My Own,” and for some reason, right now 'Tala' lang yung naisip ko kay Sarah Geronimo. For Beyoncé, “I Was Here.'"
Tinanong din namin si Tera kung ano ang origin ng kanyang kakaibang pangalan.
Aniya, hango ito sa "terra," ang Latin word for "earth."
Dahil sadyang malikot ang utak ng ilang entertainment press, biniro nila sa Tera at kinonek ang kanyang pangalan sa mga salitang "emotera," "inggitera," at iba pang mga salitang nagtatapos sa "tera."
Dahil good sport siya, sinakyan na lang ni Tera ang biro sa kanya.
Natatawa niyang saad, “I think that I have the sense of humor to have it. That’s all.”