Muling namutawi ang mga ngiti sa mata at labi ng aktor na si Andrew Schimmer dahil unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ng asawang si Jorhomy “Jho” Rovero.
Ngayong umaga ng Sabado, October 22, 2022, binisita ni Andrew si Jho na kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) ng St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig City.
Pagbabahagi ng aktor sa kanyang followers, sa pamamagitan ng Faacebook, naabutan niya ang dialysis treatment ng asawa at gising ito.

Hindi katulad noong isinugod niyang muli si Jho sa St. Luke’s noong nakaraang Lunes, October 17, kung saan wala itong malay.

Read: Andrew Schimmer’s wife back to hospital one week after coming home
Gising man si Jho pero antok na antok daw ito dahil sa treatment na pinagdaanan.
Ayon sa kanyang caption, “Finally, I was able to catch up on Her dialysis session… umabot po ako, Her reaction was priceless as always.”
Nakalabas na si Jho sa ospital noong October 10, 2022 matapos ang halos isang taong pagkaratay nito doon dahil sa cardiac arrest at hypoxemia.
November 2021 nang isugod sa St. Luke’s BGC ang misis ni Andrew na si Jho dahil sa severe hypoxemia.
Read: Andrew Schimmer seeks financial help for wife's hospital bills
Sa loob ng halos isang taon, naratay sa banig ng karamdaman si Jho at namalagi ito sa ospital kung saan inabot ng ilang milyon ang medical bills nito.
Hindi ikinahiya ni Andrew ang paghingi ng tulong sa netizens at kapwa niya artista para pangtustos sa pagpapagamot sa asawa.
Read: Andrew Schimmer gives update on wife’s condition; appeals for financial help anew
