Mukhang hindi na talaga inililihim ng volleyball stars na sina Deanna Wong at Ivy Lacsina ang totoong namamagitan sa kanila.
Kahapon, October 20, 2022, ipinagdiwang ng F2 Logistics Cargo Movers player na si Ivy ang kanyang ika-23 kaarawan.
Binati siya ng rumored partner niyang si Choco Mucho Flying Titans player Deanna sa pamamagitan ng Instagram.
Mensahe ni Deanna, “Happiest birthday Ibyang! [party popper, confetti ball, face with party horn and party hat emojis]
“Kaluguran daka! [purple heart emoji]”
Ang “kaluguran daka” ay salitang Kapampangan na ang ibig sabihin ay “I love you” o "Mahal kita."
View this post on Instagram
Sumagot naman si Ivy kay Deanna sa wikang Kapampangan.
Ayon dito, “Kaluguran daka rin eka magaganaka ika mu hangga hangga [yellow heart emoji]”
Ibig sabihin nito ay "Mahal din kita. Huwag kang mag-alala, ikaw lang habang buhay."

Matagal nang usap-usapan ng volleyball fans at netizens na hindi lang basta pagkakaibigan ang namamagitan sa dalawang manlalaro.
Sa Instagram noong nakaraang August 29, ibinahagi ng dating NU Lady Bulldogs volleyball player na si Ivy ang sweet travel photos nila ni Deanna.
Sabi ni Ivy sa caption: “Go around the world with you my greatest adventure [sparkles emoji]”
View this post on Instagram
Nakakakilig naman ang tugon dito ni Deanna.
Sabi niya sa comments section: “Ur a planet in my galaxy [smiling, sparkles, dizzy, globe emojis]”
Read: Volleyball players Deanna Wong, Ivy Lacsina exchange sweet messages on Instagram
Noong 24th birthday naman ni Deanna last July 18, 2022, isang nakakakilig ding birthday message ang natanggap niya mula kay Ivy.
Read: Deanna Wong receives sweet birthday message from rumored GF Ivy Lacsina
