PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Loisa Andalio reveals she almost gave up on life

"Dumating ako sa point na hindi ko na kaya, na parang okay lang na wala ako..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 21, 2022
Loisa Andalio gets emotional during Love in 40 Days mediacon
Loisa Andalio: “Ako, hindi rin po ako takot mamatay kasi dumaan na rin ako sa point na gusto ko na rin [mamatay]. Dumating ako sa point na hindi ko na kaya, na parang okay lang na wala ako, kasi ang hirap."
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Facebook page

Trigger Warning: Depression

Naging emosyunal ang Kapamilya actress na si Loisa Andalio nang mapag-usapan ang tungkol sa kamatayan.

Read: Loisa Andalio speaks up on plastic surgery rumors anew: "Your body, your rules."

Sa press conference ng finale ng rom-com series na Love in 40 Days noong October 12, 2022 sa ABS-CBN Studio 10, hindi napigilang mapaluha ni Loisa habang ibinabahagi ang kanyang paghihirap at mga pinagdaanan sa buhay.

Natanong kasi ang cast kung takot sila sa kamatayan na nauugnay sa kuwento ng kanilang serye.

Ayon kay Loisa, kailanman ay hindi siya takot mamatay dahil dumating daw sa isang punto ng kanyang buhay na gusto na niyang tapusin ito.

Lahad ng 23-year-old actress Kapamilya actress, “Ako, hindi rin po ako takot mamatay kasi dumaan na rin ako sa point na gusto ko na rin [mamatay].

"Dumating ako sa point na hindi ko na kaya, na parang okay lang na wala ako, kasi ang hirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero nung na-realize ko na baka tinatapik lang ako ni Lord, 'baka nawawala ka na sa landas mo,' dun ako nabuhayan na hindi pala ako dapat manghina dahil sa ibang tao.

"Dahil kung mayroon akong kasalanan or may nagawa akong mali, sa sarili ko yun, hindi dapat sa ibang tao."

Hindi man idinetalye ni Loisa kung ano ang naging problema niya, naniniwala raw siyang dahil dito kaya mas lalong naging matibay ang kanyang pananampalataya sa Diyos.

Read: Loisa Andalio recalls financial trouble after ABS-CBN shutdown: "Wala kaming source of income."

Saad niya, "So, after nun, na-realize ko na 'Lord, sorry mali pala yung nasa isip ko.' Yung mga nangyari pala sa akin, alam na ni Lord yan bago pa mangyari.

"Ang importante, saan ka bang pupuntang way.

"Naniniwala po ako na malaki o maliit na kasalanan, sa mata ng Diyos, iisa lang 'yan.

"Once na tinanggap mo si Lord sa buhay mo, sigurado sa heaven ka mapupunta."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Loisa, "Naniniwala rin po ako na kung choice nating mapunta sa heaven, hindi naman po madamot si Lord, ibibigay niya yun."

Katulad ni Loisa, hindi rin takot sa kamatayan ang kanyang real-life boyfriend na si Ronnie Alonte.

Read: Ronnie Alonte on handling misunderstandings with Loisa Andalio: "Hindi palaging masaya."

Ayon kay Ronnie, naniniwala siyang sa langit siya mapupunta dahil sa kabutihang nagawa niya dito sa lupa.

Aniya, “Hindi po ako takot mamatay. Handa po ako kung kailan man 'yan dumating.

"Masaya po ako kasi tanggap ko na anytime pwede akong mawala [at] sa langit ako mapupunta.

LAST 40 DAYS

Natanong din kina Loisa at Ronnie kung mayroon na lamang natitirang apatnapung (40) araw sa kanilang dalawa, anu-ano ang kanilang mga gagawing magkasama at paano nila susulitin ang nalalabing araw nila sa mundo.

Sagot ni Loisa, "Magpapakasaya po. Kasi, 40 days na lang, so susulitin na namin."

Sundot din na tanong ng host na si MJ Felipe, "Would you get married in 40 days, hypothetical lang naman ito?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Agad na sagot ni Ronnie, "Oo, magpapakasal na kami.

"Kasi kung 40 days na lang, e, lahat ng puwedeng gawin, gagawin na namin."

Pabiro pang dagdag ni Ronnie, "Bubuo kami ng pitong baby."

Ang depresyon ay seryosong usapin.

May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon.

Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.

Maaari silang tawagan sa mga sumusunod na 24/7 hotline:

0917 899 8727 (USAP); at 989 8727 (USAP)

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loisa Andalio: “Ako, hindi rin po ako takot mamatay kasi dumaan na rin ako sa point na gusto ko na rin [mamatay]. Dumating ako sa point na hindi ko na kaya, na parang okay lang na wala ako, kasi ang hirap."
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results