PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mayor Niña Jose on Wawa Bridge collapse

Mayor Niña Jose: "4 people have been rescued and brought to the hospital."
by Arniel C. Serato
Published Oct 20, 2022
Nina Jose on collapsed Wawa Bridge
Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose advises her constituents and motorists to find alternate routes after Wawa Bridge in her town collapsed earlier today, October 20, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: PTV / Mayor Nina Jose on Facebook / Jocelyn Oamar (DPWH)

Nagpaalala si Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose sa kanyang mga nasasakupan na huwag lumapit o huwag mangahas pumunta malapit sa Wawa Bridge o Carlos Romulo Bridge matapos itong bumagsak.

Ngayong Huwebes ng hapos, October 20, 2022, napaulat ang pagbagsak ng naturang tulay.

Wawa Bridge in Bayambang, Pangasinan collapses

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma naman ito ni Mayor Niña sa pamamagitan ng Facebook.

Bandang alas-kuwatro ng hapon, nag-post ang actress-turned-politician upang pakalmahin ang mga residente sa kanilang bayan.

Tiniyak niyang nirespondehan na ng mga awtoridad ang insidente kung saan dalawang trak ang sangkot.

Ligtas din daw ang apat na kataong nasa tulay nang mangyari ang insidente, at nadala na sila sa ospital.

Sabi ni Mayor Niña sa kanyang post sa Facebook, “There is an accident in WAWA bridge. Please keep calm my kababayans, we are coordinating with MDRMC PNP and POSO/BPSO.

"Please stay safe. The Wawa Bridge or 'Carlos Romulo' bridge has collapsed. Please do not pass there. 2 people have been rescued and brought to the hospital.

"UPDATE: 4 people have been rescued and brought to the hospital. Please stay away from the bridge or don’t go anywhere near it!!! Please!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito, nagbigay ng ulat si Mayor Niña tungkol sa nangyaring pagbagsak ng tulay.

Wawa Bridge in Bayambang, Pangasinan collapses

Nakipag-ugnayan na raw sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Pinayuhan din niya ang mga kababayan at motorista na maghanap ng alternatibong daan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nitong Oktubre 20, 2022, bandang 3:37 ng hapon, nag-collapse ang isang parte ng Carlos P. Romulo Bridge sa Brgy. Wawa, Bayambang, Pangasinan.

"Mayroong dalawang truck na nasangkot sa insidente at agad na na-rescue at isinugod sa ospital ang mga sakay nito. Kasalukuyan ay ligtas na sila.

"Nakikipag-ugnayan na ang munisipyo sa DPWH at iba pang mga opisina ukol sa nangyari.

"Inaabisuhan ang lahat ng papunta o daraan sa Bayambang mula sa Camiling na dumaan sa alternate route.

"Nakikiusap ang Lokal na Pamahalaan na huwag munang pumunta o lumapit sa tulay para sa inyong kaligtasan.

"Maghintay lamang po tayo ng karagdagang abiso ukol sa sitwasyong ito.

"Maraming salamat sa inyong pag-unawa!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang ulat kung paano at ano ang dahilan ng pagbagsak ng tulay.

Mahalaga ang tulay dahil ito ay nag-uugnay sa Bayambang, Pangasinan at Camiling, Tarlac.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose advises her constituents and motorists to find alternate routes after Wawa Bridge in her town collapsed earlier today, October 20, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: PTV / Mayor Nina Jose on Facebook / Jocelyn Oamar (DPWH)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results