PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotlot de Leon opens up about reconciliation with mom Nora Aunor

"Ang importante is what I have with her at the moment."
by Julie E. Bonifacio
Published Oct 19, 2022
Lotlot de Leon, Nora Aunor
Lotlot de Leon on past rift with mom Nora Aunor: "Sometimes you all go through, you know, trials and mga ganoon. But family is family. Family is forever."
PHOTO/S: @ms.lotlotdeleon Instagram / File

Sa kauna-unahang pagkakataon, kinumpirma ni Lotlot de Leon na nagkaayos na sila ng kanyang ina na si Nora Aunor.

Ilang taon ding nabalita ang pagkakaroon ng gap ng mag-ina.

Noong January 2022, nabalita pa ang pagpuna ng isang fan sa hindi pagdalo ni Lotlot sa family reunion kunsaan naroon si Nora at mga kapatid ni Lotlot.

Hanggang sa noong June 2022, inulat ng PEP Troika na tatlong sources ang nagsabing nagkabati na ang mag-ina, pero tahimik lamang tungkol dito.

Akala naman ng iba ay tuloy pa rin ang gap nila.

"Awa ng Diyos, wala namang ganoon," nakangiting paglilinaw ni Lotlot.

"'Tsaka you know, whatever happens, family… Sometimes you all go through, you know, trials and mga ganoon.

"But family is family. Family is forever," ani Lotlot.

Pero paano at kailan sila naging okey ni Nora?

"Bastaaaaa," paiwas na tili ni Lotlot.

Pero mababanaag sa aktres na positibo ang sitwasyon nila ng ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Importante ay okey na!" sabay tawa niya.

Diin pa ni Lotlot, "Ganoon naman, e. Minsan hindi naman pinaplano ang lahat ng bagay. Minsan nangyayari na lang. Basta okey na."

May communication daw si Lotlot kay Nora.

Paglalahad ni Lotlot: "Yeah, I was just with her a few days ago. Magkasama kami.

"Kaya lang hindi rin kasi para... Di ba, yung magpo-post ka nang magpo-post?

"Kasi, hindi naman importante yun, e. Ang importante is what I have with her at the moment."

LOTLOT ON NORA'S NATIONAL ARTIST AWARD

Siyempre, super happy rin si Lotlot sa pagkilala kay Nora bilang National Artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay, yeah! Grateful [ako], at finally it was given to her," pagbubunyi ni Lotlot.

Ano ang kanyang initial reaction na napasama na sa hanay ng National Artists ang ina?

"Nakaka-proud lang talaga. We’re all proud of her.

"I think the whole country is proud of my mom’s [accomplishment]. Nakakatuwa lang talaga yung recognition na ibinigay sa kanya."

Sa conferment ni Nora bilang National Artist, hindi nakarating si Nora sa Malacañang.

Ang mga anak ni Nora na sina Ian Veneracion at Matet de Leon ang tumanggap ng award.

Nag-iwan ng palaisipan noon kung bakit wala si Lotlot.

"I was with mom," paglilinaw ni Lotlot.

"Wala ako doon pero kasama ko lang si Mama. Masama ang pakiramdam niya."

May sakit noon ang Superstar at di pinayagan ng doktor na dumalo sa ceremony.

ON NORA'S HEALTH

Marami ang nag-alala sa kondisyon ni Nora dahil may pagkakataong dumalo ito ng ilang events na nakasakay sa wheelchair.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero paniniguro ni Lotlot, "My mom’s okay. I saw her a few days ago. Nagkita kami. Nadalaw ko naman siya. Okay naman ang mommy ko."

Sa pagkakaalam ni Lotlot, may katatapos lang na proyekto si Nora na iprinodyus ng isang streaming app.

"Yeah, I think meron nga siyang ginawa sa AQ Prime," sambit ni Lotlot.

Sabay paliwanag niya: "Basta, you know, may mom’s not young na rin naman. So, ako naman ang gusto ko lang, e, maging healthy ang mommy ko. Huwag masyadong nagpapagod.

"My mom has achieved so much already in the industry. Wala na rin naman siyang kailangang patunayan.

"The fact that she is recognized as a National Artist. Ako, I’m just happy na my mom’s okay. Gusto ko lang maging healthy siya at maging maayos siya lagi."

Kung si Lotlot ang masusunod, gusto na niyang magpahinga muna sa paggawa ng pelikula si Nora.

"Basta," tugon ni Lotlot nang usisain ng media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I’m sure naman si Mommy nasa dugo na niya iyan. I’m sure when she’s offered something really nice, hindi tatanggihan ng nanay ko."

Nabalita ring namamalagi na sa Bicol si Nora kung saan siya isinilang at lumaki.

At kaya raw nasa Bicol si Nora ay dahil inaayos ng aktres ang kanyang mga lupain sa probinsya.

"Well, busy pa si Mommy. Marami pang inaasikaso," sabi ni Lotlot.

LOTLOT ON LOINIE LOVETEAM

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot sa grand finale presscon ng ABS-CBN fantasy-series na Love in 40 Days na pinagbibidahan ng reel-and-real-life sweethearts na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Read: Loisa Andalio and Ronnie Alonte: A love team, in and out of showbiz

Kumusta ang LoiNie?

"Mabait," saad ni Lotlot. "Mababait ‘yang dalawang iyan."

Napahalakhak si Lotlot nang ikumpara ang LoiNie sa tambalang Lotlot-Monching noon.

Ang love team ni Lotlot at ex-husband na si Ramon Christopher o Monching ang isa sa mga pinakasikat sa defunct youth-oriented show na That’s Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hahahaha! Sana better. Better version," wish ni Lotlot.

Nagbigay rin ng advice si Lotlot just in case nagpaplano nang magpakasal sina Loisa at Ronnie.

"Huwag muna," payo niya. "Mga bagets pa sila. Basta mag-concenrtrate muna sila sa trabaho."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lotlot de Leon on past rift with mom Nora Aunor: "Sometimes you all go through, you know, trials and mga ganoon. But family is family. Family is forever."
PHOTO/S: @ms.lotlotdeleon Instagram / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results