Tila nakisali na rin ang Thai-British digital entrepreneur na si Tim Connor sa patutsadahan ng kanyang business partner na si Maggie Wilson at estranged husband nitong si Victor Consunji.
Read: Who is Tim Connor?
Ito ang napansin ng ilang netizens matapos mabasa ang cryptic Instagram post ni Tim ngayong Miyerkules, October 19, 2022.
Kalakip ng larawan niyang nakapostura, ito ang nakakaintrigang caption ni Tim:
“A huge cave for you?
“Only after you told me to explore.
“You can't beat European engineering @hublot”
Naka-tag dito ang Instagram accounts ng isang watchmaker company sa Malaysia.
View this post on Instagram
Kaagad nagbigay ng espekulasyon ang ilang netizens na tila may kinalaman ito sa parinig ng real estate magnate na si Victor Consunji sa kanyang Instagram Story kagabi, October 18.
Kalakip ang larawan niyang nasa bukana ng isang kuweba, gumamit si Victor ng iba't ibang hashtags na tumutukoy sa "cave" o kuweba.
Kabilang dito ang “#EasyToFeelSmallInSuchABigCave.”
Mababasa rin dito ang iba pang hashtags: #YouKnowThisPlaceIsNextToABeach, #AllICanSayIsThisBeachHasAHugeCave, at #ThisCaveMUSTbeRoyalty.”
Ang post ni Victor ay pinaniniwalaan namang sagot niya sa makahulugang post ng estranged wife niyang si Maggie Wilson noong October 14.
Nagparinig ang actress-beauty queen sa mga mahihinang lalaki na takot umano sa mga matatapang o malalakas na babae.
Kapansin-pansin ang paggamit niya ng mga salitang "small" at "issues" na pinapagitnaan ng eggplant (talong) emoji bilang hashtag.
Buong post ni Maggie: “If you can’t get a woman to bow down to you and crawl then just file tons of cases against her. Only weak men fear strong women. #small[eggplant emoji]issues”
Read: Maggie Wilson’s intriguing hashtag causes stir on social media
Hindi naging maayos ang pakikitungo sa isa’t isa nina Maggie at Victor matapos nilang ianunsiyo ang hiwalayan nila noong September 2021.
Halos labing-isang (11) taong nagsama ang dalawa bilang mag-asawa.
Read: Maggie Wilson, Victor Consunji announce separation
Sinundan ito ng diumano’y pagpapalayas ni Victor kay Maggie sa kanyang tinitirhan sa Taguig.
Makalipas ang ilang araw, lumabas ang dokumentong nagsasaad na sinampahan si Maggie, kasama ng business partner nitong si Tim, ng adultery o pakikiapid.
Read: Maggie Wilson, Tim Connor sinampahan ng kasong adultery ni Victor Consunji
Mariing itinanggi ni Tim na meron silang relasyon ni Maggie at tinawag na basura ang reklamong isinampa sa kanila.
Read: Tim Connor reacts to "rubbish accusations" against him and Maggie Wilson
Ibinunyag naman ni Maggie sa isang post na posible pa siyang sampahan ng dagdag na kaso ng kanyang estranged husband.
Read: Maggie Wilson reveals “further legal cases” filed against her by estranged husband Victor Consunji
