Naintriga ang maraming netizens sa bagong post ng real estate magnate na si Victor Consunji sa kanyang Instagram Story ngayong Martes ng gabi, October 18, 2022.
Makikita sa kanyang Instagram Story ang larawan ni Victor na tila nasa bukana ng isang kuweba.
Kapansin-pansin ang paggamit niya ng hashtag na “#EasyToFeelSmallInSuchABigCave.”
Mababasa rin dito ang iba pang hashtags: #YouKnowThisPlaceIsNextToABeach, #AllICanSayIsThisBeachHasAHugeCave, at #ThisCaveMUSTbeRoyalty.”

Ang tanong ng netizens: ito kaya ang sagot ni Victor sa sinasabing patama ng estranged wife nitong si Maggie Wilson noong Biyernes, October 14, 2022?
Read: Maggie Wilson’s intriguing hashtag causes stir on social media
Pinagkaguluhan ng netizens ang “#small [eggplant emoji] issues” hashtag ni Maggie sa kanyang post tungkol sa mahihinang lalaking takot sa mga matatapang o malalakas na babae.
Mensahe ni Maggie: “If you can’t get a woman to bow down to you and crawl then just file tons of cases against her. Only weak men fear strong women."
Pero ang mas nakapukaw ng atensiyon ng nakabasa ng post ni Maggie ay ang ginamit niyang hashtag.
Sa pagitan ng mga salitang "small" at "issues" ay gumamit siya ng eggplant (talong) emoji.
View this post on Instagram
May dinaraanang pagsubok ang marriage life nina Victor at Maggie.
September 2021, inanunsiyo nina Maggie at Victor ang kanilang desisyong maghiwalay matapos ang halos labing-isang (11) taong pagsasama bilang mag-asawa.
Read: Maggie Wilson, Victor Consunji announce separation
Kasunod nito, ang diumano’y pagpapalayas ni Victor kay Maggie sa kanyang tinitirhan sa Taguig.
Ilang araw matapos nito, lumabas ang dokumentong nagsasaad na sinampahan si Maggie, kasama ng business partner nitong si Tim Connor, ng adultery o pakikiapid.
Read: Maggie Wilson, Tim Connor sinampahan ng kasong adultery ni Victor Consunji
Mariing itinanggi ni Tim na meron silang relasyon ni Maggie at tinawag na basura ang reklamong isinampa sa kanila.
Read: Tim Connor reacts to "rubbish accusations" against him and Maggie Wilson
Ibinunyag naman ni Maggie sa isang post na posible pa siyang sampahan ng dagdag na kaso ng kanyang estranged husband.
Read: Maggie Wilson reveals “further legal cases” filed against her by estranged husband Victor Consunji
