PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Guardian admits doubting herself as an actress

She is grateful that projects came her way before her GMA-7 contract expires.
by Rommel Gonzales
Published Oct 30, 2022
Angel Guardian
Angel Guardian admits entertaining thoughts of leaving showbiz. Good thing she was offered to star in Running Man Philippines and Mano Po Legacy: The Flowers Sisters.
PHOTO/S: @itsangelguardian on Instagram

Isa si Angel Guardian sa mga celebrity Pinoy runners ng Running Man Philippines na kasalukuyang umeere.

Kasali rin si Angel bilang isa sa mga female lead stars.ng Mano Po Legacy: The Flowers Sisters na eere naman ngayong Lunes, October 31.

Kaya ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya: Ano ang pagkakapareho o pagkakaiba ng pagiging contestant sa Running Man Philippines at aktres sa The Flower Sisters?

Natatawang sagot ni Angel, “Actually, parang wala pong pagkakapareho.

"Sobrang magkaiba po kasi sa Running Man hindi naman po kami umaarte, e.

“Lahat ng reaction ko genuine iyon, wala akong nilalagay dun... walang makeup, at mas mahirap, physically.

“Kasi grabe po talaga yung mga challenges. First time ko pong mapagod nang ganoon sa buong buhay ko! Pero nakaka-miss po yung ganung pagod din.”

Ibang-iba nga raw ang mga hamon ng reality show sa pagganap ni Angel saThe Flower Sisters.

Aniya, “With this naman po, siyempre it’s acting so you have to study the character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kailangan mong yakapin yung character so that it will show, and that’s you the character itself.

“With Running Man naman, it’s the complete opposite—you don’t have to act at all, which is enjoyable din kasi siyempre we feel like ourselves!

“And even before Running Man, I promised myself na I’ll be very genuine, na parang take it or leave it, this is me!

“If you don’t like, wala akong magagawa.”

Maraming ginulat si Angel dahil sa mga episodes ng Running Man Philippines ay nakikitang palaban siya sa mga mahihirap na physical challenges sa show.

“Actually, ako din,” at natawa si Angel na siya mismo ay nagugulat sa mga nakaya niyang gawin sa show.

“Actually, wala akong sports, wala akong sports. Batang-kalye naman po ako noon.

"Kaya ko naman yung piko, ganyan, pero wala po talaga akong sports.”

Marami rin ang nagulat dahil kahit na maituturing na baguhan ay sunud-sunod ang projects ni Angel tulad nga na ng mga overlapping shows niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sambit niya, “Thank you Lord po talaga! Sobrang blessed lang po talaga.”

Biro ng PEP.ph, kinaiinggitan na nga yata si Angel ng ibang Kapuso female artists.

“Ay, naku po! Wala po, ayoko po ng inggit! To be honest po, nasa verge na ako ng paggi-give up nung Pepito. Kinukuwento ko po iyan kina Kokoy.”

Co-star ni Angel si Kokoy de Santos sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento at kapwa runner sa Running Man Philippines.

Patuloy ni Angel, “So nung dumating yung Running Man parang naging barricade siya sa akin. Alam mo yun, ‘Wait, stop! Huwag kang mag-doubt, you belong here.’

“Kasi ako as a person, parang ayoko nung napi-feel ko na parang wala akong next plan. Na parang, ‘Ano na after this?’

“So ina-advance ko siya na, ‘Mag-e-expire na yung contract ko next year, ano na’ng gagawin ko?

"Should I just go back doing commercials? Magpo-focus na lang ako sa music?’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Till next year po ang contract ko sa GMA. Pero parang nagkakaroon lang ako ng thinking na, ‘Ano ba, do I belong here? Dito ba talaga ako sa showbiz?’"

Mukhang hindi naman pakakawalan ng Sparkle at ng GMA si Angel, at dumating na nga ang Running Man Philippines.

Kuwento niya, “Nag-audition ako [sa Mano Po Legacy] while day-off ng Running Man namin, nag-send po ako ng audition piece, pag-uwi ko nakuha ako.

“'Tsaka wala po akong idea till nung mag-storycon na, akala ko one of the cast lang ako, hindi main cast.”

Pero eto nga, isa si Angel sa mga bidang Chua/Flower sisters along with Aiko Melendez (Lily), Thea Tolentino (Dahlia) at Beauty Gonzalez (Violet).

At siyempre, challenge accepted.

Ani Angel, “So grabe, andun yung pressure! Ang saya mo pero grabe din yung pressure, kailangan kong mag-focus, kailangan kong galingan.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Guardian admits entertaining thoughts of leaving showbiz. Good thing she was offered to star in Running Man Philippines and Mano Po Legacy: The Flowers Sisters.
PHOTO/S: @itsangelguardian on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results