PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jose Sarasola still friends with ex-girlfriend Maria Ozawa

"Wala kaming unfollow on Instagram or unfriend on Facebook."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 17, 2022
Jose Sarasola and Maria Ozawa
Jose Sarasola: “We’re friends naman since nag-break kami last year. The best takeaway for me is since the past years ang daming nag-break na mga high-profiles celebrities… medyo a bit tarnish yung breakup, medyo madugo, e. But for me siguro, the best takeaway ko kay Maria is we’re still friends pa rin.”
PHOTO/S: Chef Jose Sarasola Instagram

Naging bukas ang Kapuso actor-chef na si Jose Sarasola na pag-usapan ang tungkol sa kanila ng kanyang ex-girlfriend na si Maria Ozawa.

Read: Jose Sarasola admits breakup with Maria Ozawa: "Ang hirap lang talaga ng LDR."

Pagbabahagi ni Jose, “Okay naman [kami], Maria is good, she’s in Japan.

“We’re friends naman since nag-break kami last year.

"The best takeaway for me is, since the past years ang daming nag-break na mga high-profiles celebrities… medyo a bit tarnish yung breakup, medyo madugo, e.

"But for me siguro, the best takeaway ko kay Maria is we’re still friends pa rin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jose sa ginanap na GMA-NCAA All-Star Basketball Game noong October 15, 2022 sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Ayon pa kay Jose, wala silang sama ng loob sa isa’t isa ni Maria, dahil hanggang sa ngayon ay pina-follow at friends pa rin sila sa Instagram at Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We don’t talk naman every day, pero wala kaming unfollow on Instagram or unfriend on Facebook.

“So, for me, the best takeaway sa breakup namin, though it sounds a bit wrong, the best takeaway is, yun nga, friends pa rin kami.”

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph kay Jose noong January 13, 2022, inamin niya na noong December 2021 pa nang magdesisyon sila ni Maria na maghiwalay.

Wala naman daw ibang sangkot sa kanilang hiwalayan, “mutual decision” ito dahil hindi na nila kaya pa ang long-distance relationship (LDR).

Umalis ng Pilipinas si Maria noong kasisimula pa lamang ng COVID-19 pandemic, at umuwi sa kanilang bansa sa Japan.

Si Jose naman ay naiwan at nanatili rito sa Pilipinas.

Read: Jose Sarasola on long-distance relationship with Maria Ozawa: "It's for the best."

FILIPINA OR FOREIGNER?

Hindi rin nakatakas si Jose sa tanong na kung sakaling papasok siya sa panibagong relasyon, mas gugustuhin ba niyang Filipina na o pipiliin ulit niya na foreigner katulad ni Maria?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Jose, “Maybe low-key na. Kasi yung kay Maria, hindi lang [siya] kilala sa Pilipinas but worldwide, e.

"So, it’s challenging going in different countries lang or even here in the Philippines. So, parang ewan ko, ayokong magsabi.

“But maybe when my next relationship comes, baka mas low-key, baka hindi na celebrity.”

Sundot pa niya, “Baka, ayokong magsabi kasi, pero baka lang.”

Sa ngayon ay ine-enjoy muna raw ni Jose ang kanyang pagiging single at focus muna siya sa kanyang business at career.

HUNK CHEF

Bukod sa pag-arte, abala rin ngayon si Jose sa cooking show nila ni Iya Villania na Eat Well, Live Well, Stay Well Season 4, na sponsored ng isang Japanese multinational food and biotechnology corporation.

Maliban sa paghu-host ng cooking show, may bago rin siyang tayong restaurant sa Parañaque City, ang Avenue 75.

Ang pagkahilg daw niya sa pagluluto ay nagsimula pa noong bata pa siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento ni Jose, "Ever since high school pa lang, I love watching cooking shows na talaga. I love watching [cooking] shows abroad and even local shows natin.

"Nung college, I took up HRM [Hotel and Restaurant Managament] sa Benilde major in Culinary, so dun nag-start yung love ko for cooking."

Si Jose ay isa sa mga tinitingala ngayon bilang Kapuso hunk, may pressure ba ang titulong ito sa kanya?

Sagot niya, "Medyo lugi nga ako kasi I eat all the food I cook, and then iba't ibang guesting sa mga cooking shows. It's also challenging to be fit.

"Since ang peg ko hunky-hunky chef nga, I tried to workout a lot talaga para ma-maintain yung body.

"On the flip side, being a chef, malaking tulong din sa pagpili ng tamang pagkain, mas nutritious, healthier, and hindi nakakataba.

"So, nakakatulong yung pagiging chef sa pagiging healthy and fit."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jose Sarasola: “We’re friends naman since nag-break kami last year. The best takeaway for me is since the past years ang daming nag-break na mga high-profiles celebrities… medyo a bit tarnish yung breakup, medyo madugo, e. But for me siguro, the best takeaway ko kay Maria is we’re still friends pa rin.”
PHOTO/S: Chef Jose Sarasola Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results