Balik-ospital ang misis ng aktor na si Andrew Schimmer na si Jorhomy “Jho” Rovero.
Ito ay matapos lamang ang isang linggo mula nang ilabas si Jho sa St. Luke’s Medical Center, Global City, Taguig City.
Ayon kay Andrew, kailangang muling ipasok ang asawa sa intensive care unit (ICU) ng ilang araw para mag-stabilize ang heart rate nito.
Baka raw ilipat nila ito ng ospital sa Muntinlupa.
Pagbabahagi ni Andrew sa kanyang Facebook post ngayong Lunes, October 17, 2022 (published as is): “Just after a week, she’s back in the hospital again [sad face, broken heart emojis]
“Need po sha ipasok ulit sa ICU for few days, until mag stable po ulit sha [sad face, broken heart, crying, broken heart emojis]
“please, plsss pray for Her, she needs it [crying, broken heart, crying emojis]
“pls God give Her the strenght to push trough, Kaylangan po sha ng puso ko panginoon ko [broken heart, sad face, crying praying hands emojis]”
Noong October 10, nagbigay ng magandang balita si Andrew ukol sa kalagayan ng asawa.
Ito raw ang araw na iuuwi na niya si Jho matapos ang halos isang taong pagkaka-confine sa ospital.
Saad niya sa kanyang Facebook Live video, “Today is the day, mga kapatid. Lalabas na ng hospital ang aking asawa kaya full force ulit kami dito sa hospital.
“Kasi first time niya ulit… after almost a year, first time niyang masisilayan ang labas ng hospital kaya we’re all very excited.”
November 2021 nang isugod sa St. Luke’s BGC ang misis ni Andrew na si Jho dahil sa cardiac arrest at hypoxemia.
Read: Andrew Schimmer seeks financial help for wife's hospital bills
Sa loob ng halos isang taon, naratay sa banig ng karamdaman si Jho at namalagi ito sa ospital kung saan inabot ng ilang milyon ang medical bills nito.
Hindi ikinahiya ni Andrew ang paghingi ng tulong sa netizens at kapwa niya artista para pangtustos sa pagpapagamot sa asawa.
Read: Andrew Schimmer gives update on wife’s condition; appeals for financial help anew
