Aliw na aliw ang netizens sa naka-post na photo ni Michael V. sa Instagram dahil sobrang hawig niya ang kanyang mga anak.
Last June 2022 pa ito nai-post ni Michael V. pero muling nag-circulate sa social media at naging viral sa Facebook matapos i-repost ng content creator na si Perds Centino noong October 14.

Mula sa original na family photo, nag-crop si Perds ng portion para makita si Bitoy (palayaw ni Michael V.) na katabi ang anak na babaeng si Yanni, at anak na lalaking si Milo.
Ang dalawa ay hindi maipagkakailang spitting image ni Bitoy at mapagkakamalan pang kambal.
Caption ni Perds sa kanyang Facebook post: "Si Bitoy at ang anak ni Bitoy na mas mukhang Bitoy kaysa kay Bitoy."
Inakala tuloy ng netizens na inedit lang sa photo editing app na Photoshop ang larawan.
Pero nasa Instagram pa rin ito ni Bitoy.
Nai-share ito noon ni Michael V. sa Instagram matapos manood ng kanyang pamilya ng premiere ng Jurassic World Dominion.

Enjoy naman ang netizens sa pagkokomento.
Ang lakas daw ng dugo ni Bitoy.
Carbon copy umano nito ang mga anak.

Tinawag din ang cropped photo ng mag-aama na "Bitoy, Itoy at Bebang," mga karakter na nilkha ni Michael V. mula sa TV show na Bubble Gang.
Anang isa pang commenter tungkol sa larawan, ito raw ang "Bitoy in the Multiverse of Madness.”
Habang sinusulat ang artikulong ito, ang Facebook post ni Perds ay nakakuha na ng 634K reactions, 9.1K comments at 42K beses na nai-share.
