PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aiko Melendez headlines new GMA series with Beauty Gonzalez

Aiko Melendez, siniguro na kayang balansehin ang acting at political career.
by Jojo Gabinete
Published Oct 15, 2022 | Updated Oct 15, 2022
Aiko Melendez and Beauty Gonzales in The Flower Sisters
Aiko Melendez on Beauty Gonzales: "Like I’ve said, I’m very open about it, magkatapat kasi dati yung show namin, Prima Donnas at ang Kadenang Ginto... Pero ang pinakamasaya, sa totoong buhay, hindi kami magkatapat. Nagkaroon ako ng katapat bilang kaibigan."
PHOTO/S: The Flower Sisters teaser

Ilang buwan na hindi napanood sa telebisyon si Aiko Melendez.

Naging abala ang aktres sa pangangampanya noong nakaraang eleksyon, pero nasulit ang lahat ng mga pagod niya nang mahalal siya bilang konsehal ng 5th District ng Quezon City.

Matapos ang halalan, muling babalikan ni Aiko ang propesyong pinakamamahal niya.

Isa siya sa mga bida ng The Flower Sisters, ang third installment ng Mano Po Legacy na co-production venture ng Regal Entertainment Inc. at ng GMA Network Inc.

Lily ang pangalan ng karakter na ginagampanan ni Aiko sa The Flower Sisters, at ayon sa kanya, may naramdaman siyang pressure.

"Sa mga hindi nakakaalam po, isa ako sa mga original Regal Baby, baby po ako ni Mother Lily," tukoy ni Aiko kay Lily Monteverde, producer at matriarch ng Regal Films.

"Kaya the mere fact na ang pangalan ko po dito ay Lily, nakaka-pressure po, although hindi naman po ganyan ang ugali ni Mother Lily. May mga eksena po na ginaya namin si Mother Lily.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana ito na ang hudyat ng pagbabalik ko dahil nga nadya-juggle ko naman yung time ko sa pagiging konsehal ng Quezon City.

"Although nagkakasakit na, pero worth it naman. After seeing the trailer of Mano Po Legacy 3, I don’t have any regrets na tinanggap ko ang Mano Po."

Sa puntong ito ay nagpasalamat si Aiko kina Regal Entertainment Entertainment CEO Roselle Monteverde at GMA Network executive Joey Abacan.

"Salamat sa pagkakataon na ito that you made my comeback with a big bang," saad ni Aiko.

AIKO ON WORKING WITH BEAUTY

Kasama ni Aiko sa serye si Beauty Gonzalez, dating homegrown star ng ABS-CBN at lumipat sa GMA-7 noong June 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinaalaala ni Aiko na magkatapat noong 2019 ang Prima Donnas, ang GMA series na patok ang pagiging kontrabida niya, at ang Kadenang Ginto ng ABS-CBN, na pinagbibidahan ni Beauty.

"Itong pagbabalik ko po sa show business, blessing po dahil nakatrabaho ko si Beauty.

"Like I’ve said, I’m very open about it, magkatapat kasi dati yung show namin, Prima Donnas at ang Kadenang Ginto.

"And then, yung karakter namin dito sa Mano Po 3, magkatapat.

"Pero ang pinakamasaya, sa totoong buhay, hindi kami magkatapat. Nagkaroon ako ng katapat bilang kaibigan," sabi ni Beauty.

Si Beauty ang gumaganap na kapatid ni Aiko sa The Flower Sisters.

Base sa trailer na ipinakita sa media conference na ginanap nitong Biyernes ng hapon, October 12, matitindi ang kanilang mga confrontation scene kaya kaabang-abang ang programa nila na mapapanood sa GMA-7 simula sa October 31, 2022.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez on Beauty Gonzales: "Like I’ve said, I’m very open about it, magkatapat kasi dati yung show namin, Prima Donnas at ang Kadenang Ginto... Pero ang pinakamasaya, sa totoong buhay, hindi kami magkatapat. Nagkaroon ako ng katapat bilang kaibigan."
PHOTO/S: The Flower Sisters teaser
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results