Pinagkaguluhan ng netizens ang “#small [eggplant emoji] issues” hashtag ni Maggie Wilson sa kanyang latest Instagram post ngayong Biyernes, October 14, 2022.
Isa man itong cryptic message, halatang may pinatatamaan siya.
Sabi ni Maggie sa kanyang post, kung hindi kaya ng lalakeng mapayuko at magpagapang ng isang babae, ang gagawin na lang daw nito ay magsampa ng 'sangkatutak na kaso laban sa babae.
Nagpapakita raw ito na mga mahihinang lalaki ay takot sa mga matatapang o malalakas na babae.
Mensahe ni Maggie: “If you can’t get a woman to bow down to you and crawl then just file tons of cases against her. Only weak men fear strong women."
Pero ang mas nakapukaw ng atensiyon ng nakabasa ng post ni Maggie ay ang ginamit niyang hashtag.
Sa pagitan ng mga salitang "small" at "issues" ay gumamit siya ng eggplant (talong) emoji.
View this post on Instagram
Sa comments section, tawang-tawa ang netizens sa maliit na talong na kanyang hashtag.
Narito ang ilan sa kanila:
![Maggie Wilson's #small[eggplant]issues creates a stir among netizens](https://contents.pep.ph/images2/images2/2022/10/14/maggie1-1665744758.jpg)
![Maggie Wilson's #small[eggplant]issues creates a stir among netizens](https://contents.pep.ph/images2/images2/2022/10/14/maggie-2-1665744759.jpg)
![Maggie Wilson's #small[eggplant]issues creates a stir among netizens](https://contents.pep.ph/images2/images2/2022/10/14/maggie-3-1665744759.jpg)
Kasalukuyang dumadaan sa pagsubok ang marriage life ni Maggie.
September 2021, inanunsiyo ni Maggie at ng mister nitong si Victor Consunji ang kanilang desisyong maghiwalay matapos ang halos labing-isang (11) taong pagsasama bilang mag-asawa.
Read: Maggie Wilson, Victor Consunji announce separation
Kasunod nito, ang diumano’y pagpapalayas ni Victor kay Maggie sa kanyang tinitirhan sa Taguig.
Ilang araw matapos nito, lumabas ang dokumento na nagsasaad na sinampahan si Maggie, kasama ng business partner nitong si Tim Connor, ng adultery o pakikiapid.
Read: Maggie Wilson, Tim Connor sinampahan ng kasong adultery ni Victor Consunji
Mariing itinanggi ni Tim na meron silang relasyon ni Maggie at tinawag na basura ang reklamong isinampa sa kanila.
Read: Tim Connor reacts to "rubbish accusations" against him and Maggie Wilson
Ibinunyag naman ni Maggie sa isang post na possble pa siyang sampahan ng dagdag na kaso ng kanyang estranged husband.
Read: Maggie Wilson reveals “further legal cases” filed against her by estranged husband Victor Consunji
