Hindi nakapagtimpi ang Kapamilya TV host-comedian na si Vice Ganda na sagutin ang netizens na pumupuna sa hitsura ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa kanilang bagong pelikula.
Read: Vice Ganda throws shade at Idol Philippines Season 1 winner Zephanie
Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama sina Vice at Ivana upang pagbidahan ang pelikulang Partners in Crime, isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022, mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.
Read: Ivana Alawi celebrates 15.7M YouTube subscribers; gives 8,000 food packs, P1.2 million cash
Nitong Lunes, October 10, 2022, ipinasilip ng ABS-CBN Star Cinema ang teaser ng Partners in Crime kung saan makikita ang kakaibang hitsura ni Ivana.
Sa teaser video, kulot ang buhok at morena ang kulay ng A Family Affair leading lady, kabaliktaran ito sa totoong kulay ng kanyang balat at buhok.
Read: Ivana Alawi on celebrity crush Sam Milby: "Yes, nahalikan ko na si Sam!"
Dahil dito, ilang netizens ang umalma at nagbigay ng reaksiyon sa hitsura ng aktres.
Komento ng isang netizen (published as is), “Pag eto nagkamake over tas naging straight yung buhok… lordddd nagsstart pa lang ako makakita ng maraming tao na inaaccept yung curly hair nila, step backwards na naman po ata ang magaganap.”
Hindi naman ito nakatakas kay Vice at agad niyang ni-retweet sa kanyang Twitter account.
Read: Vice Ganda calls out TV5's "fake, clickbait, mema" report about him and Marian Rivera
Kinuwestiyon din ng It’s Showtime host kung ano ang mali at problema sa curly hair ni Ivana sa kanilang pelikula.
Caption ni Vice (published as is), “Anung mali pag ginusto at pinili ng isang taong kulot ang buhok na ipaunat ang buhok nya?
“Walang mali sa kulot. At wala ring mali kung gusto nyang ipaunat ito.
“Ang mali ay ang baluktot ang pananaw mo at nagpapanggap kang tuwid! Ang mali ay [y]ung ang nega nega nega mo!!!!!”
Isa pang tweet ng netizens ang kinomentuhan ni Vice.
Tweet ng netizen, “As a curly-haired morena, I pray na walang part sa movie na gawing katatawanan ang looks ni Ivana. Otherwise, it's gonna be offensive for me. And disappointing towards Vice Ganda.”
Reply ni Vice (published as is), “Makakaasa kang walang ganun.”
May isa pang netizen ang tila nagpaliwanag kay Vice na baka raw kasi sa huli ng kanilang pelikula ay biglang i-makeover ang looks ni Ivana katulad sa ibang napapanood na pelikula.
Saad ng isa netizen (published as is), “The point kasi meme is Ivana having curly hair then may makeover scene tapos magiging straight yung hair nya.
“Also, morena pa skin nya. For sure after the makeover magiging fairer yung complexion nya portraying na mas maganda yung may fair skin and straight hair."
Agad itong sinagot ni Vice at tila pinayuhan din ang netizen na huwag ma-stress dahil hindi pa naman nila napapanood ang buong pelikula.
Buwelta ni Vice, “Have u watched the film yet? Girl 4 sequences pa lang nashu-shoot namin. Don’t stress [yo]urself.”
Ang Partners in Crime ay isa sa unang apat na pelikula na opisyal na kalahok sa 48th Metro Manila Film Festival na mapapanood simula sa December 25, 2022.
Read: Coco-Jodi, Vice-Ivana, Ian-Heaven, Joey-Toni movies pasok sa MMFF 2022
