PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Therese Malvar on kissing scene with Jeric Gonzales

First kiss onscreen and in real life
by Noel Orsal
Published Oct 9, 2022
Therese Malvar
Award-winning actress Therese Malvar on kissing scene with co-star Jeric Gonzales in the critically-acclaimed movie Broken Blooms: “Hindi ko alam kung bakit, siguro because I’m not used to intimate things, so it’s kinda weird talaga. Hindi talaga siya parang kilig, weird feeling talaga siya, pero buti wala akong naramdaman at all kasi talagang trabaho." (Photo: Noel Orsal)

Isa si Therese “Teri” Malvar sa mga artistang patuloy na umaani ng parangal dahil sa kanyang taglay na galing sa pag-arte.

Nakaka-proud para sa isang artistang Pinoy na mabigyan ng parangal mula sa mga prestihiyosong film festivals mula sa iba't ibang sulok ng mundo.

Sa katunayan, sa edad na 15 anyos ay itinaghal siyang Best Actress sa Moscow Film Festival noong 2016 para sa pagganap niya sa pelikulang Hamog.

At ngayong 2022 ay pinarangalan din ng Mokkho International Film Festival sa India ang pelikulang Broken Blooms na pinagbidahan nila ni Jeric Gonzales.

Dahil sa mahusay na pagganap nila sa Broken Blooms, napanalunan ni Teri ang Critics Choice Award for Best Actress in an Indie, samantalang nasungkit naman ni Jeric ang Critics Choice Award for Best Actor in an Indie.

Sa press conference ng Broken Blooms na ginanap sa Cafe Ilang-Ilang ng Manila Hotel last Friday, October 7, esklusibong nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Teri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa trailer ng Broken Blooms, kapansin-pansin ang kissing scene nina Teri at Jeric.

Therese Malvar
Jeric Gonzales

Balitang first kissing scene daw ito ni Teri sa pelikula at gayundin sa totoong buhay dahil wala pa itong boyfriend.

Tinanong namin si Teri kung wala ba siyang takot o kaba habang ginagawa nila yung kissing scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot niya, “Oo, sobra, kasi ang gusto ko ring ma-achieve lagi, magmukhang natural, bilang yung role namin dun ay couple talaga at nabuntis ako.

"Kailangan mag mukhang natural kami ni Jeric, at hindi awkward lalo na sa kissing scene dahil yun yung pinaka-intimate gesture of love, di ba?

“So, sobra akong kinabahan kasi ayokong maka-ilang ulit na take dahil hindi na-satisfy si Direk Louie, pero thankfully, dahil kay Jeric at Direk Louie, ginabayan ako at minake sure sa akin na okay lang yung eksena."

Si Direk Louie Ignacio ang nag-direct ng Broken Blooms.

Therese Malvar
Direk Louie Ignacio
Boobay

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nung pinanood namin yung eksena, sobrang ganda kasi nag mukha talagang very loving and intimate scene,” pagpapasalamat niya.

Naisip ba ni Teri na baka magalit ang magulang niya dahil first time niyang magka-kissing scene? O nagpaalam ba siya sa kanila?

Aniya, “Oo, actually before na-accept yung project, sinabi na sa amin na baka may kissing scene.

“Akala namin daya, pero nung sinabi ni Direk Louie na gusto niyang i-legit kissing scene, nag tiwala nalang talaga ako kasi alam kong hindi naman ako ipahihiya ni Direk Louie, talagang gagawin niya na may dignidad pa rin ako.

“Okay lang sa parents ko kasi hindi sila strikto, yung nanay ko nga umaarte rin kaya nage-gets niya. Naninibago lang talaga kami, ganun.”

Ano naman ang naramdaman niya habang sinu-shoot na nila yung kissing scene? Dahil first kiss niya rin ito in real life, meron bang kakaibang kilig na di pa niya na-experience before?

Lahad niya, “Buong time sa kissing scene na yun, yung utak ko sinasabi, 'Hala, oh my God! Eto na, eto na!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko alam kung bakit, siguro because I’m not used to intimate things, so it’s kinda weird talaga. Hindi talaga siya parang kilig, weird feeling talaga siya, pero buti wala akong naramdaman at all kasi talagang trabaho.

“Yun lang naramadaman ko, sobrang empty ako nung time na yun—blangko, as in.”

Meron ba siyang pinapangarap na maka-kissing scene? Halimbawa, yung mga crush niya sa showbiz?

Pag-amin ni Teri, “Wala talaga. As much as possible, ayokong mag-kissing scene, pero if ever man, smack lang, ganun. At wala akong pinapangarap na maka-kissing scene.

"Kung sino nalang yung ibigay ng project basta maganda yung role at yung story.”

Hindi ba siya binigyan ng advice ng mommy niya kung paano mas maging realistic yung kissing scene nila?

Saad niya, “Hindi, hindi niya ako tinuruan. Kinukumusta lang talaga ako na parang, 'Sure ka bang kaya mo iyan? Baka napipilitan ka lang.' Mga ganun.

“As long as kaya ko at hindi ako uncomfortable at okay naman yung eksena, at hindi naman ako nawalan ng dignidad, okay naman sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

What about her dad? Hindi ba siya nagalit?

“Wala, wala pa siyang sinasabi kaya hindi ko alam, pero wala siyang kino-comment kasi sobrang supportive niya. As long as I feel like what I’m doing is okay, okay lang din sa kanya,” lahad ng dalaga.

Sa mga incoming projects niya, okay pa rin ba kay Therese kung may mga kissing scenes na rin dito?

Sagot niya, “Actually, yung latest project ko, may kissing scene kami, with Sir Allen Dizon. Medyo dark ang atake kasi unlike Broken Blooms na very loving yung kissing scene namin, ito parang hinarass ako.”

Hindi pala Broken Blooms ang latest niyang pelikula.

Paglinaw niya, “Hindi, ang latest ko ay Pamilya sa Dilim, directed by Jay Altarejos. Magshu-showing na rin siya soon, internationally muna.”

Paano pinaghahandaan ni Therese ang mga characters na ibinibigay sa kanya?

Detalye niya, “Sa tulong ng director talaga at ng writer, parang we would collaborate together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Una, sasabihin nila yung vision nila para sa character ko, 'tapos from the script, may input din ako na parang how my character should be, bakit ganito yung reactions niya, so talagang it’s a collaboration project talaga lagi.”

May mga characters o roles ba na pangarap pa rin niyang gawin?

Mabilis niyang pag-amin, “Marami pa, ang dami ko pang gustong gawin na role katulad ng isang character na iba-iba siya, let’s say clone. One role, pero different personalities. Yun talaga yung pangarap kong gawin.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning actress Therese Malvar on kissing scene with co-star Jeric Gonzales in the critically-acclaimed movie Broken Blooms: “Hindi ko alam kung bakit, siguro because I’m not used to intimate things, so it’s kinda weird talaga. Hindi talaga siya parang kilig, weird feeling talaga siya, pero buti wala akong naramdaman at all kasi talagang trabaho." (Photo: Noel Orsal)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results