Tila tinuldukan na ng actor-singer na si James Reid ang espekulasyon na may relasyon sila umano ng Fil-Am model na si Kelsey Merritt.
Read: James Reid asked about video showing him hugging Nancy McDonie of Momoland
Ito’y matapos kumalat kamakailan sa social media ang ilang stolen pictures nina James at Kelsey na magkasama sa Los Angeles, California.
Makikita sa ilang mga litrato na tila sweet at may ibinubulong si James kay Kelsey habang sila ay nasa sasakyan, dahilan para bigyan ng ibang kahulugan ng mga netizens na “dating” daw umano ang dalawa.
Read: Kelsey Merritt and Jared Leto spotted rock climbing in Italy; are they dating?
Nitong Huwebes, September 29, 2022, tila natuldukan na ang haka-haka ng mga netizens nang ilabas ng Careless Music sa YouTube ang music video ng bagong single ni James, tampok ang modelong si Kelsey.
Ang bagong kanta ni James ay may pamagat na u & i.
Mukhang nakaplano at alam din ni James ang naunang mga litratong kumalat dahil ini-upload din niya ito sa kanyang Instagram account, kahapon, September 29.
Caption ng singer-actor, “lovescene: u & i [rose emoji]. Out now on all streaming platforms.
NETIZENS REACT ON U & I MV
Hindi napigilan ng mga netizens na magbigay ng reaksyon matapos mapanood ang music video ng u & i.
Ngayon ay patuloy na nasa trending topic sa PhilippineTwitter ang “James Reid.”

Marami sa mga netizens ang tila nagulat at namangha sa intense at mainit na eksena nina James at Kelsey.
Read: Kelsey Merritt posts sweet photos with Olympian BF Conor Dwyer; he comments, “Mahal kita”
Tampok kasi sa music video ang ilang kissing scene ng dalawa.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:





Samantala, isang araw matapos i-upload ang u & i music video ay pumalo na ito ng 741, 000 views, at nanatiling number 1 trending sa YouTube.
