PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anthony Jennings reveals his biggest regret in life

"Hindi talaga ako marunong magsulat..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 29, 2022
Anthony Jennings
Anthony Jennings: "Hindi ako nag-aral talaga... high school wala. Elementary lang. As in, like, hindi ako marunong magsulat. Pumunta ako ng ABS-CBN, hindi ako marunong magsulat. Ako pa yung nagturo sa sarili kong magbasa."
PHOTO/S: Screengrab @Rise Artist Studio YouTube

Emosyunal na ibinahagi ng Kapamilya young actor na si Anthony Jennings ang kanyang "biggest regret in life."

Read: Anthony Jennings on new onscreen partner Vivoree Esclito: "Si V alam ko siya kung paano pasayahin."

Sa episode 3 ng Boys After Dark ng Rise Artist Studio na in-upload sa YouTube noong September 18, 2022, ikinuwento ni Anthony ang kanyang naging buhay bago siya maging ganap na artista.

Kasama ni Anthony bilang hosts sina Markus Paterson, Jae Miranda, Gello Marquez, at Aljon Mendoza.

Ilan sa mga napag-usapan nila ay tungkol sa pamilya, career, love life, embarrassing experiences, at kanilang regrets sa buhay.

Hindi napigilang mapaluha ni Anthony nang ikuwento niya sa kanyang co-hosts ang biggest regret nito sa buhay.

Pahayag ng Tara G! star, "Ako, ang biggest regret in life ko... Well, regret ko siya pero at the same time hindi ko naman siya sobrang kasalanan, parang 50/50 siya.

"Ano siya, e... hindi ako nag-aral talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mukhang nagulat pa ang kanyang mga kasama sa sinabi niya kung kaya't kinumpirma ito ni Markus.

Tanong ni Markus, "Nag-aral ng?"

Sagot ni Anthony, "Nag-aral... high school, wala. Elementary lang. As in, like, hindi ako marunong magsulat.

"Pumunta ako ng ABS-CBN, hindi ako marunong magsulat.

"Ako pa yung nagturo sa sarili kong magbasa, hindi talaga ako marunong mag-aral. Wala akong masyadong alam. Hindi ako nag-school talaga."

Ayon kay Anthony, dahil sa kanyang personal na problema at responsibilidad sa pamilya kaya't nahinto siya sa pag-aaral.

Gayunpaman, kahit hindi siya nakatungtong ng high school ay siniguro naman daw niyang hindi matutulad sa kanya ang mga kapatid.

Kuwento niya, "Napag-aral ko naman yung mga kapatid ko, kasi siyempre ayoko naman na matulad sila sa akin.

"Hindi talaga ako marunong magsulat... So, yun lang ang regret ko sa buhay ko, hindi ako nag-school."

Sa kabila nito, pangarap pa rin daw ni Anthony na makabalik sa pag-aaral pagkatapos ng kanyang mga obligasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana [nakapag-aral ako] pero hindi ako nabigyan ng opportunity. Kasi, at a young age, nag-start na akong mag-work na kung anu-ano ang ginawa ko sa buhay ko.

"Pero alam ko, nasa top of mind ko pa rin na mag-aral ako after everything, after ng kahit anong mangyari."

MR. M'S TOP PICK

Taong 2019 nang pasukin ni Anthony ang mundo ng showbiz. Naging talent siya ng Star Magic sa ilalim ng Rise Artist Studio—ang newest talent management arm ng ABS-CBN.

Sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Johnny "Mr. M" Manahan, co-founder ng Star Magic, binanggit nito si Anthony bilang isa sa Star Magic talents na dapat abangan.

Sabi ni Mr. M tungkol sa kanya, “Si Anthony, parang Lloydie iyon, e. Hindi naman siya talagang guwapo—compare John Lloyd and Piolo, di ba? Hindi naman talaga siya guwapo pero ang galing na artista. So, ganun si Anthony Jennings."

Read: How A Star Is Born, according to Star Magic founder Mr. M

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Unang napanood si Anthony sa mga pelikulang Hello, Love Goodbye (2019) at Make It With You (2020).

Ngayon ay isa si Anthony sa cast na bibida sa iWantTFC youth-oriented series na Tara G! kasama sina Vivoree Esclito, Kaori Oinuma, Daniela Stranner, JC Alcantara, Zach Castañeda, at CJ Salonga.

Read: Kaori Oinuma on changing screen partners: “Ine-enjoy ko siya.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anthony Jennings: "Hindi ako nag-aral talaga... high school wala. Elementary lang. As in, like, hindi ako marunong magsulat. Pumunta ako ng ABS-CBN, hindi ako marunong magsulat. Ako pa yung nagturo sa sarili kong magbasa."
PHOTO/S: Screengrab @Rise Artist Studio YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results