Tinuldukan na ni Jericho Rosales at asawa niyang si Kim Jones ang bali-balitang hiwalay na sila.
Ito’y matapos silang magpalitan ng sweet messages sa Instagram.
Ngayong Huwebes, September 22, 2022, nag-post si Kim ng maikli ngunit sweet na birthday greetings para kay Jericho.
Nagdiriwang si Jericho ng kanyang ika-43 kaarawan.
Makikita sa mga litratong in-upload ni Kim ang ilang kuhang larawan ng kanyang mister habang nag-e-enjoy itong mag-swimming sa La Union.
Saad ni Kim sa caption (published as is),” Birthday boy in his natural habitat. This year is yours @jerichorosalesofficial!!!!”
Agad naman itong sinagot ni Jericho: “I loooove! Back at you, [queen]! [heart emoji].

Nauna nang iulat ng PEP Troika noong September 19, 2022 ang tungkol sa reaksiyon ni Jericho sa balitang hiwalayan nila ng kanyang asawa.
Napamulagat si Jericho nang hingan siya ng reaksiyon sa isyu na hiwalay na sila ng kanyang misis.
Paiwas niyang sagot, “All right guys! I love you. Thank you!”
