Ikinasal na sina Jason Abalos at Vickie Rushton sa San Antonio de Padua Parish Church sa Nasugbu, Batangas ngayong Huwebes, September 1, 2022.
Kita ang malaking ngiti ni Vickie habang naglalakad sa aisle.

Nakunan naman si Jason na nagpapahid ng luha habang naghihintay sa kanyang bride malapit sa altar.
Katabi ni Jason sa may altar ang kapatid ni Vickie na si Kian.

Nagkatawanan pa ang bagong kasal nang matapos ang kasal at hahalikan na ni Jason si Vickie.

Base ito sa videos na ibinahagi ng celebrity friends ng couple na sina Marco Alcaraz at Joross Gamboa sa Instagram.
Dumalo rin ang iba pang showbiz personalities na malapit na kaibigan nina Jason at Vickie.
SHOWBIZ FRIENDS AT THE WEDDING
Sa video clips na ipinost nina Marco at Joross, makikita na kasama sa entourage si Kaye Abad at asawang si Paul Jake Castillo.

Nahagip din sa camera sina Joseph Bitangcol at Raphael Martinez.
Sina Joseph, Raphael, at Joross ay mga kasabayan ni Jason sa ABS-CBN talent search na Star Circle Quest noong 2004.
Naroon din sina Onyok Velasco at JC Tiuseco.

Ang wedding ceremony ay sinundan ng reception sa Club Ananda, isang wedding venue sa Nasugbu.
Na-engage sina Jason at Vickie noong 2021 at magkarelasyon na ng sampung taon.
Read:
