PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Female star offered by manager to politicians, businessmen

Female star, walang gaanong project pero may bagong bahay at kotse.
by Noel Orsal
Published Aug 31, 2022
blind item female
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

Marami ang gustong maging artista, lalo na sa mga kabataan, dahil sa kagustuhang sumikat at magkapera ng malaki.

Isang paraan na ginagawa ng showbiz hopefuls para maging bahagi ng entertainment industry at maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan ay ang pagsali sa iba’t ibang talent search sa telebisyon.

Kapag nakapasok ka na sa showbiz ay kailangan pa ring dumaan ka sa iba’t ibang pagsubok dahil sa dami ng kakumpitensya.

Ang iba ay naghahanap ng backer para makapasok sa mga network o di kaya'y sa malalaking film production.

Pero sino nga ba ang gagawa nito para sa kanila? Walang iba kung hindi ang kanilang manager, na trabaho ang ihanap sila ng pagkakakitaan.

Masuwerte ang isang talent kung ang manager nito ay sikat at maraming contacts sa industry. Pero papaano kung hindi ganoon kaimpluwensiya ang manager?

Puwes, humanap ng ibang pagkakakitaan.

Ito ang diskarte ng isang talent manager na may alagang female star na galing sa isang talent search.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maganda at magaling naman ang female star na ito, pero hindi siya pinalad manalo sa sinalihang talent search.

Automatic na naging contract artist ng isang malaking network si female star, pero co-managed pa rin siya ng talent manager na tinutukoy. Kaya lang, walang masyadong project na ibinibigay ang network sa female star.

Bilang co-manager, hindi ito tumitigil hangga’t hindi mabigyan ng pagkakakitaan ang female star. Yun nga lang, sa maling paraan.

Dahil maraming kilalang pulitiko at big-time businessman si talent manager, dito niya inilalako ang alagang female star.

Kuwento ng aming source, nang ipakilala raw si female star sa isang pulitiko ay binigyan agad ito ng kotse at bahay at cash kapalit ng kanyang serbisyo.

Takang-taka ang ibang mga kakilala ng female star na bigla itong nagkaroon ng bagong sasakyan at bahay samantalang wala naman itong project sa kanyang network.

Kuwento pa ng source, sila rin daw ay inalok ng talent manager na ipakilala ang female talent sa mga big-time businessmen at pulitiko, pero tumanggi sila sa ganoong paraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results