Hindi napigilan ni Anne Curtis ang maging emosyunal nang sabihing ang mister niyang si Erwan Heussaff ang itinuturing niyang bayani ng kanyang buhay.
Read: A timeline of Anne Curtis and Erwan Heussaff's love story
Sa episode ng noontime show na It's Showtime nitong Lunes, August 29, 2022, ginunita nila ang National Heroes Day, kasabay ng pagbabahagi ng mga host kung sino ang itinuturing nilang bayani.
Kasama ni Anne ang kanyang mga co-host na sina Vice Ganda, Ogie Alcasid, Vhong Navarro, Kim Chui, Amy Perez, Ryan Bang, Jugs Jugueta, Jackie Gonzaga, at Ion Perez.
Unang sumagot si Vice, na sinabing ang kanyang partner na si Ion ang itinuturing niyang "hero."
Saad naman ni Anne, "Ako siguro, ang hero ng buhay ko, like Sisterette [Vice], kung may Ion siya, ako naman may Erwan.
"He is my superhero, super dad, ganun yata talaga..."
Dito sa puntong ito nagsimulang lumuha at maging emosyunal ang actress-TV host.
Ayon kay Vice, batid niya ang pakiramdam ni Anne na may katuwang sa pagharap sa mundo lalo't higit sa pagpapalaki sa anak niyang si Dahlia.
Saad ni Vice, "It's very hard for you to juggle work and [be] a mom sa isang araw, sabay [-sabay].
"Niloloko-loko ko lang ito [Anne] pero ang hirap kaya ng ginagawa niya. Nanay, asawa, tapos kailangan niyang maging entertainer niyo [madlang people].
"Pero dahil may Erwan siya na sasabihin, 'O sige na nga, ako na muna ito, do your thing, magpaka-entertainer ka muna,' e, ang laking bagay nun."
Na agad namang sinang-ayunan ni Anne.
Aniya, "Correct, that's why he's really an everyday hero. Forever and ever."
Mahigit dalawang taong hindi napanood si Anne sa It’s Showtime dahil ipinagbuntis niya ang kanyang anak na si Dahlia Amelie.
Noong December 2019, sa huling trimester ng kanyang pagbubuntis, nagdesisyon sina Anne at Erwan na lumipad sa Melbourne, Australia.
March 2, 2020, isinilang ni Anne sa Australia ang anak nilang si Dahlia.
Read: Anne Curtis gives birth to baby girl
Bumalilk si Anne sa It's Showtime noong lamang May 28, 2022.
Read: Anne Curtis, Take 2 sa prod number sa kanyang pagbabalik sa It's Showtime
Ikinasal sina Anne at Erwan noong November 12, 2017 sa Queenstown, New Zealand.
