Dream come true para kay Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose ang maka-collaborate ang kanyang iniidolong si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Makakasama ni Julie Anne sa unang pagkakataon si Gary para sa collaboration ng pinakabago niyang single na "Di Ka Akin" sa ilalim ng Universal Records.
Sa virtual mediacon ng "Di Ka Akin" noong August 27, 2022, ibinahagi ni Julie Anne ang kanyang paghanga kay Gary mula pa noong siya ay nagsisimula bilang singer.
"I wrote this song last year and, originally, parang solo lang na kanta.
"And si Tito Gary, he's been one of the people talaga na I've always wanted to collaborate with. I mean, it's always been a dream," sabi ng Kapuso singer-actress.
Hindi raw sukat-akalain ni Julie Anne na ang pangarap lang niya noon ay natupad na ngayon.
Kuwento niya, "Universal Records called me... 'Jules, do you want to do a collaboration with Gary Valenciano?' And I was, like, 'Are you serious?'
"Sabi ko sa kanila, 'Ha, parang joke ba 'to? Totoo ba 'to?'
"Saktong-sakto, sobrang excited din ako kasi I've never done anything like this before, like it's gonna be my first time to do this with Tito Gary.
"It happened so fast, in a blink of an eye, parang, 'What... we're really doing this?'
"Nakakataba talaga ng puso, kasi si Tito Gary, isa siya sa musical influencer ko ever since when I was a kid."
Ayon din kay Julie Anne, noon pa man ay inaawit na niya ang mga kanta ni Gary at itinuturing niya itong malaking parte sa kanyang musical journey.
"Hobby ko lang talaga kumanta before, 'tapos yung pangarap lang ng grandmother ko and actually yung mommy and daddy ko. They are all supportive sa aking singing career.
"Sa school, pag may mga programs, ganyan, palagi kong kakantahin yung mga songs ni Tito Gary.
"And even nga sa mga variety show like SOP, Sunday Pinasaya, All-Out Sundays, talagang naging parte na talaga siya ng musical journey ko."
Labis naman ang pasasalamat ni Gary kay Julie Anne kasabay ng pag-aming matagal na rin niyang gustong maka-collab ang Kapuso singer dahil sa kanyang anak na si Paolo Valenciano, na naging direktor ni Julie Anne sa musical trilogy na "Limitless."
Read: GMA-7 kinilala ang talento ni Julie Anne San Jose sa Limitless musical trilogy
Pagbabahagi ni Gary, "Medyo matagal ko nang naririnig yung 'Gary, have you heard this Julie Anne San Jose?' And I was like, 'What about her? Tell me about her...' including a feedback from my son Paolo.
"Paolo is very particular with who he works with. He would go, ‘Dad, you know, you should… nah, never mind. You’re Kapamilya, she’s Kapuso.’
"It was always like that until I got to do an album under Universal Records called Awit at Laro."
Kasunod nito, noong 2020, ni-record ni Julie Anne ang kantang "Pitik Bulag" na ipinrodyus mismo ni Gary.
Dito pa lang daw ay humanga na si Gary kay Julie Anne dahil sa husay at dedikasyon nito sa musika.
"DI KA AKIN" IS ABOUT?
Pagbabahagi ni Julie Anne, masaya ang kanyang puso noong isinusulat niya ang kantang "Di Ka Akin," kahit ang kantang ito ay tungkol sa closure at bagong simula ng magkasintahan.
Lahad niya, “When I wrote the song, I wasn’t coming from a bad place, e. Kumbaga, it was just like out there.
“Kasi, when you’re trying to create something kasi, especially sa mga songwriters, writers, parang siyempre kailangan mong ilagay ang sarili mo sa isang scenario.
"Nagyayari talaga siya sa totoong buhay and I felt I need to write again, I wanted to come up with something, especially we're still in the middle of pandemic.
"I figured that there are more scenarios normally na nangyayari sa isang tao specifically sa mga relationship.
"Yung intention ko that time when I wrote the song is parang hindi ka akin so, like walang label yung relationship. Magkaiba yung perspective ng lalaki sa babae."
Dagdag pa ni Julie Anne, "When we recorded it, it became better kasi post breakup na siya. Walang label but, at the same time, may gusto ka pang sabihin sa kanya na hindi mo nasabi."
Agad naman itong sinang-ayunan ni Gary at sinabing napakahirap daw siguro kay Julie Anne na isulat ang kantang ito dahil masaya ngayon ang puso nito.
Aniya, “It’s hard for Julie Anne now because her heart is in a really good place right now. You know, her heart is in a good place with somebody I also love very much."
Ang tinutukoy ni Gary ay si Rayver Cruz, na kamakailan lang ay umaning may espesyal siyang pagtingin kay Julie Anne.
READ MORE:
