PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Victor Medina on father Pen Medina spinal surgery

Victor Medina explains how father was diagnosed with degenerative disc disease.
by Melba R. Llanera
Published Aug 30, 2022
Victor Medina and father Pen Medina
Victor Medina (left) on how his father Pen got diagnosed with degenerative disc disease: "Two months ago siguro... Nung nagising daw si Dad, nagbanyo lang siya tapos nag-igib ng tubig tapos pagsalin niya ng tubig, sumobrang sakit na yung pain, nagdeliryo daw siya. Tingin ko natiyempuhan, kasi old age lang talaga yun, he's 72."
PHOTO/S: @penmedina Instagram

Labis ang pasasalamat ni Victor Medina sa mga taong nagpahatid ng pinansiyal na tulong dahil sa operasyon ng amang si Pen Medina para sa spinal surgery nito sanhi ng degenerative disc disease.

Read: Pen Medina's spinal surgery a success, but asks for more prayers

Ayon kay Victor, dalawang buwan na nasa ospital ang kanilang ama at kasalukuyang nagpapàgaling.

Noong July 17, 2022, nanawagan si Victor at iba pang mga kapatid nito ng pinansiyal na tulong para sa operasyon ng ama.

July 23 nang maglabas ng opisyal na pahayag ang pamilya Medina na sumailalim na ng surgery si Pen at naging matagumpay ito.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Victor sa ALT-R HEROES 15 Years Of Altarejos Cinema, na ginanap sa Mowelfund compound noong August 20, 2022.

Lahad ni Victor, "Mayroon namang nag-reach out sa amin, fellow artists, may mga anonymous people, thank you sa kanila.

“Sino sila? Wala sa discretion ko to tell, pero may mga nag-reach out and we're very thankful kasi ang haba ng recovery time na ito. Kahit ma-discharge siya, it will take probably a year or more bago siya up on his peak talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mahirap din siya makakatanggap ng mga projects, oo ang hirap nun. Malaki ang pasasalamat namin sa mga tumulong dahil mahaba yung proseso ng paggaling tapos pandemic pa rin, mahirap makakuha ng trabaho.”

Sobrang sakit daw ang naranasan ni Pen bago ito sumailalim ng surgery, at ngayon ay nasa recovery stage na ito.

Ayon kay Victor, “Tapos na yung surgery like two, three weeks ago pero before nun sobrang in pain siya.

“Apparently, before the surgery, hindi niya maalala yung mga nangyari nung in pain siya. Nagulat nga ako kasi nagbabantay ako nun sa hospital twice yata, wala siyang maalala na nandun ako.

“Yung spine niya, may number kasi yun, basta lower part siya. 3, 4 yata, nilagyan ng... para mag-support kasi may mga naipit na nerves. Yun ang nagko-cause ng so much pain, nagde-degenerate yung [spinal] disc niya.”

Paano niya nalaman ang tungkol sa kundisyon ng ama?

Pagbabahagi ni Victor, "Two months ago siguro, kasi two months na siyang nasa hospital. Nung nagising daw si Dad, nagbanyo lang siya tapos nag-igib ng tubig tapos pagsalin niya ng tubig, sumobrang sakit na yung pain, nagdeliryo daw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tingin ko natiyempuhan, kasi old age lang talaga yun, he's seventy-two [72]. Nagde-denegrate talaga so wala siyang choice but to have an operation.

“Yun ang naging final diagnosis na, nag-therapy siya for a month sa hospital bago siya napagdesisyunan na operahan.

"Dapat ang discharge niya yesterday pero wala pang balita sa Viber group namin so wala pa akong alam. Last week pa akong nagbantay kay Daddy, yun ang huling nakausap ko siya."

Ipinagpapasalamat din ni Victor na malaking tulong ang healthy lifestyle ng ama para gumaling ito agad.

“My dad is a strong man. After his surgery, nag-e-exercise siya every day kasi nag-deteriorate yung muscles niya. Two months siyang nakahiga.

“Ngayon nag-e-exercise siya every day para bumalik yung strength niya sa legs. Nahihilo pa rin siya kasi laging nakahiga, pero yun lang naman ang problema niya.

"Normal ang blood pressure niya for seventy two. Healthy living naman kasi si Daddy. Mahilig maggulay palagi, nagga-gardening."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tinanong din ng PEP.ph si Victor kung masasabi niyang mas tumatag ang relasyon ng kanilang pamilya dahil sa pinagdaanan ng ama.

Tugon ng aktor, "From the beginning naman, we're good as a family. Siguro we coordinate more lang kasi kailangan naming mag-usap sa mga nangyayari, like sino ang magbabantay this day, sino ang magbabantay that day, karelyebo for daddy.

“We always have that kind of bond with each other na kami-kami. Parang hindi naman naapektuhan, hindi siya tumaas, ganun talaga kami."

WHO IS VICTOR MEDINA?

Si Victor ay napanood sa mga pelikulang Ligo Na U Lapit Na Me, Heneral Luna, at Senior Year. Nagbida na rin siya sa pelikulang Hello World.

Bilang mula sa pamilya ng mga mahuhusay na aktor, nakaramdam ba si Victor ng pressure pagdating sa pag-arte?

“Hindi ako masyadong na-pressure kasi nag-go in the acting ako with the mindset na nag-enjoy ako. Lalo na yung first project ko na hinatak lang ako ng mga kaibigan ko for the film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-enjoy ako tapos nagpatulong ako sa dad ko kasi mahirap yung scene. Nung ginawa ko na, ang sarap lang sa pakiramdam.

"Hindi ko alam sa side ng mga kapatid ko, pero sa akin naman, it's more for myself," sabi niya.

ADVICE FROM DAD PEN

Bukod sa pagiging beteranong aktor, kilala rin ang ama ni Victor na si Pen sa pagbibigay ng acting workshops.

Dito raw na-expose si Victor pagdating sa mundo ng showbiz.

"Hindi siya necessarily payo kasi after kong mag-stop mag-school, nagkaroon siya ng acting workshop, so naging assistant niya ako dun for a while.

"Bale nag-aral ako under him one or two years yata. Hindi niya ako pinapayuhan directly unless humingi ako.

"May ganun kaming relationship na if I need help, I can ask dad. Pero pag hindi ako humingi, hindi niya ako bibigyan.

"Pero natuto ako sa lahat ng tinuturo niya sa mga estudyante niya, kung paano umarte, baka yun na ang turo niya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang sabi niya, 'Maging natural ka, 100 percent natural ka every time na umaakting,'" saad ni Victor.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Victor Medina (left) on how his father Pen got diagnosed with degenerative disc disease: "Two months ago siguro... Nung nagising daw si Dad, nagbanyo lang siya tapos nag-igib ng tubig tapos pagsalin niya ng tubig, sumobrang sakit na yung pain, nagdeliryo daw siya. Tingin ko natiyempuhan, kasi old age lang talaga yun, he's 72."
PHOTO/S: @penmedina Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results