Ipinagluluksa ni Chie Filomeno ang pagpanaw ng kanyang alagang Golden Retriever na si Matmat.
Sa kanyang Instagram post ngayong Biyernes, August 26, 2022, emosyunal na pinasalamatan at inalala ni Chie kung gaano siya pinasaya at kinumpleto ng kanyang alaga.
Mensahe niya, "I didn’t know angels came with four paws till I met you Mattyboo, thank you for completing our home and thank you for completing me.
"Si Matty kahit hindi ako umiyak alam niya kapag malungkot ako at alam niya paano ako pasayahin kahit matampuhin siya kasi madalas ako wala sa bahay but he still never fails to put a smile on my face."
Ayon pa kay Chie, walang salitang makatutumbas sa sakit na kanyang nararamdaman sa pagpanaw ng pinakamamahal na alaga.
"Wala ng mangungulit at uutusan ako kunin yung bola niya.
"You’re so strong Matty, inantay mo pa din birthday ko. Grabe no words can describe how painful it is to lose you but I know you’re no longer in pain now."
Dagdag pa niya, "Mahal na mahal kita Matmat. Run free."
Hindi binanggit ni Chie ang dahilan ng pagkamatay ni Matmat.
Samantala, sa comments section ng kanyang post, bumaha ang pakikiramay mula sa dog lovers, kabilang na ang ilang celebrities.


READ MORE:
- Shaira Diaz mourns loss of pet dog: "Durog na durog ang puso ko"
- Lolit Solis, gustong isama ang alagang aso pag ike-cremate siya
- Janella Salvador mourns loss of pet dog: "I didn’t just lose a pet—I lost a partner in life."
- Jelai Andres bawls over loss of pet dogs: "Bakit naman nilason niyo?"
- Angelicopter, Mo Twister pet dog stolen and found dead
