PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Olivia Quido on eligibility of Miss Universe married candidates

Olivia Quido: "I'm okay with that—that we give opportunities to everybody."
by Melba R. Llanera
Published Aug 25, 2022
Olivia Quido Miss Universe skincare partnera
Miss Universe 2022 skincare partner Olivia Quido: "Siyempre may mga babae on that age pangarap nila yun, pero they don't have the opportunity... I think pangarap ng lahat ng kababaihan na, ‘One day sana makapag-Miss Universe ako,’ but nare-restrict dahil married, because they are pregnant, or may anak na."

Bilang skincare partner ng Miss Universe 2022, nahingan ng opinyon si Olivia Quido sa balitang simula 2023 ay bukas na ang prestigious international beauty pageant sa mga lalahok na kandidatang may asawa o may anak na.

Usap-usapan kasing hindi na raw makakaapekto ang marital o parental status sa eligibility ng applicant, taliwas sa history ng pageant na pawang mga dalaga lamang ang nakakasali.

Pero wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa Miss Universe Organization hinggil dito.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media si Olivia sa Beauty Day In Manila With Ms. Olivia Quido, na ginanap sa EDSA Shangri-La Manila Garden room noong August 13, 2022.

“I’m okay with that," pakli niya.

"Kumbaga pinag-aralan, nag-research, nag-survey, so yun ang palagi nilang naririnig na sana puwede rin sa may anak. Siyempre may mga babae on that age pangarap nila yun, pero they don't have the opportunity.

“Nakarating sa akin, siyempre nagulat ako, kasi after seventy-four [74] years pinalitan nila yung rule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I'm okay with that—that we give opportunities to everybody."

Kung saka-sakali, isa raw itong magandang hakbang ng Miss Universe Organization para ipakita ang pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan anuman ang estado nila sa buhay.

“Yes, I think pangarap ng lahat ng kababaihan na, ‘One day sana makapag-Miss Universe ako,’ but nare-restrict dahil married, because they are pregnant, or may anak na.

“I think it's an equality right now, pero sa ngayon kasi hindi pa namin napag-uusapan."

Naniniwala naman si Olivia na malaki ang tsansa ni Miss Universe Philippines Celeste Cortesi na masungkit ang Miss Universe 2022 crown.

Aniya: "Sobrang ganda ni Celeste, we have a good chance. I think si Celeste is a total package.

“Being a Fillipino, I'm proud sa representative natin. She's always doing her best.”

Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May tsansa bang maging judge siya sa pageant?

“I dream to be a judge. No confirmation pa but I will let you know,” sagot ni Olivia.

Saan ang host country para sa Miss Universe 2022?

"Wala pang host country. We've talked na kung saan gaganapin, binigyan lang niya ako ng idea na kanino ba. Wala lang confirmed na place.

“Maybe in U.S., puwede sa Asia, sa Latin America, so maraming options, choices na sumusulpot at sinasabing dun. Kumbaga, may mga tourism kasi na kausap nila."

HOT STORIES

ON BEING A MISS UNIVERSE PARTNER

Ang O Skin Med Spa ng skin care specialist na Olivia ang skincare partner ng Miss Universe 2022. Ito na ang pang-apat na taon kung saan ang O Skin Med Spa ang nagsisilbing skin care partner ng international beauty pageant.

Binalikan ni Olivia kung paano ba nakuha ang O Skin Med Spa bilang official skincare partner ng Miss Universe

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nagpunta ako ng Korea, nag-pray ako na gusto kong maging global pero di ko alam kung paano.

“Then one day, after two months, they called me if I can be [a partner]. October ako nagpunta ng Korea, December 2019 tinawagan nila ako.

“Na-shock ako. Sabi ko, ‘Tama ba itong number na tumawag sa akin? Di ba yun scam?’

“Then, after that, they said we gonna have a meeting... Then kasama na lahat ng team — from the vice president, from the marketing, from the creative team lahat nag-meeting na kami sa Zoom para i-discuss kung ano ang gagawin.

"We kept in touch, every two weeks, nag-uusap kami. Talagang every two weeks may video call so we can coordinate what's new, what's happening, kahit tsikahan lang. That's how we maintain relationship with them."

Aminado si Olivia na nagbukas ng maraming oportunidad sa kanya mula nang makuha siyang skincare partner ng Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ay, it's amazing, doors of opportunities, sobrang open na open. Yung mga products namin, naging global na.

"Sa ngayon, it's gonna be Miss Universe skincare and Olivia Quido together. I'm gonna be making products for them.

“After three years, I am very happy that I'm here kasi I got to meet all of you in person. Sobrang ganda ng opportunity na nandito kayo ngayon, na sama-sama tayo.

“And being the skincare of Miss Universe, I am a very proud Filipina na gusto kong ipakita rin sa buong mundo na tayong mga Filipina, kaya nating magpaganda ng mga beautiful ladies around the world."

Sa ngayon ay punung-puno raw ang schedule ni Olivia para i-promote ang kanyang produkto sa iba-ibang bansa.

Olivia Quido

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW OLIVIA BUILT HER BUSINESS

Pero hindi rin biro ang mga pagsubok na dinaanan ng skincare specialist bago naging matagumpay sa kanyang negosyo.

Lahad ni Olive, "Sa Caloocan ako galing, sa 7th Avenue, tapos lumipat kami sa Malabon after. Dela Salle University College of St. Benilde, Computer Programmer.

"Marami akong pimple dati... Nag-aral ako ng skincare sa America para ayusin muna ang sarili ko.

"Then, nung naayos ko ang sarili ko, gusto ko nang mag-alaga ng ibang tao.

"2002, dun ako nag-aral. Cosmetology first, hair, skin and nails. Pero parang every time na nag-aaral ako, mas gusto ko mag-skin so nag-shift ako to skincare lang, then nagtayo na ako ng business."

Nagsimula siyang itayo ang negosyo noong 2003, at 18 years na ito ngayon.

"Sobrang hirap, for five years wala kaming client. Pag graduate ka kasi, hindi ka naman kaagad pagkakatiwalaan ng mga tao, di ba?

"I live within my means, hindi ako gagastos kung hindi kailangan, sakto-sakto lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"The Lord is faithful na na-survive ko yung first five years.

"I think that was the hardest part. Pag nalagpasan mo na yung first five years sa business, okay na."

Mga kapwa Filipino sa U.S. ang unang mga nagtiwala at naging kliyente ni Olivia.

"Unti-unti, mga Filipino within the area. Kunwari sa Saritos ako nakatira, lahat ng clients ko sa Saritos lang. And then after that, lumaki na siya nang lumaki. Nakilala yung product.

"Nag-start akong mag-tithing sa church kung saan ako nagsisimba every Sunday, yung Cottonwood Church."

Katuwang sa negosyo ang asawang si Jason Co, sa huli ay nagbigay ng mensahe si Olivia sa mga kapwa niya babae na gustong subukan ang pagnenegosyo at magtagumpay sa buhay.

"Siguro number one, put God first in their life, and He will bring you in places that you never dreamed of.

"Pangalawa, mag-tithing ka, ibigay ang 10 percent sa church.

"Pangatlo, huwag kang gi-give up kaagad. Lahat ng bagay sobrang hirap. Pero alam mo yun, pagdating sa letter U, pinaka-down mo na yun, wala nang da-down pa dun, e, aakyat ka na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2022 skincare partner Olivia Quido: "Siyempre may mga babae on that age pangarap nila yun, pero they don't have the opportunity... I think pangarap ng lahat ng kababaihan na, ‘One day sana makapag-Miss Universe ako,’ but nare-restrict dahil married, because they are pregnant, or may anak na."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results