PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aicelle Santos asks for prayers for mother in critical condition

"Panginoon, dugtungan niyo pa po ang buhay ni mommy."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 23, 2022
Aicell Santos-mother
Aicelle Santos: "Hiling po ako sa inyo ng panalangin para sa aming mommy who's in critical condition right now...Panginoon, dugtungan niyo pa po ang buhay ni mommy. Isang pagkakataon pa po Lord."
PHOTO/S: Aicell Santos Instagram

Nanawagan sa publiko ang singer na si Aicelle Santos na ipagdasal ang kanyang ina na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.

Nitong Lunes, August 22, 2022, sa isang Instagram post idinaan ni Aicelle ang kanyang panawagan, kalakip ang litrato ng medical equipment na kuha umano sa ospital.

Caption niya, "Hiling po ako sa inyo ng panalangin para sa aming mommy who's in critical condition right now. Her name is Leonila Santos."

Hindi man sinabi ng singer ang sakit ng kanyang ina, umaasa siyang gagaling ito sa tulong ng Panginoon.

Saad ni Aicelle, "Panginoon, dugtungan niyo pa po ang buhay ni mommy. Isang pagkakataon pa po Lord."

Dagdag pa ng Kapuso singer, "With You nothing is impossible (pray emoji)."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-repost din ni Aicelle ang Instagram story ng kanyang kapatid na si Aaron na humihingi rin ng panalangin para sa paggaling ng kanilang Mommy Leonila.

Aicell Santos

Sa comments section ay bumuhos ang panalangin at pagdamay ng kanyang mga kaibigan sa industriya kabilang na sina Rochelle Pangilinan, Iya Villania, Boobay, Jolina Magdangal, Pops Fernandez, Kyla, Daryl Ong, at Angeline Quinto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aicell Santos

Aicell Santos

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aicelle Santos: "Hiling po ako sa inyo ng panalangin para sa aming mommy who's in critical condition right now...Panginoon, dugtungan niyo pa po ang buhay ni mommy. Isang pagkakataon pa po Lord."
PHOTO/S: Aicell Santos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results