Idinaan ni Alodia Gosiengfiao sa cypher o coded message ang patutsada niya sa isang ex-boyfriend na binansagan niyang "cheater. "
August 13, 2022 nang i-post ni Alodia sa Facebook ang buwelta niya sa ex-boyfriend na tila nagbitiw ng salitang "maraming bawal" noong sila ay magkarelasyon pa.
Nakasulat iyon gamit ang salitang Al Bhed na isang cypher na gamit sa role-playing video game na Final Fantasy.

Pero mabilis iyong na-decode ng fans ni Alodia, na kilalang gamer, cosplayer, at vlogger.
Sabi sa post ni Alodia gamit ang Google translator: "'Maraming bawal' in my past relationship?
"Ok, I didn’t know 'maraming bawal' na pala ang to sleep with other girls since 2018 when you’re still in a relationship [grinning face with sweat emoji] ‘
"'di ba basic lang yun? [grimacing face emoji]"
Umalma man sa pambababae noon ng dating karelasyon, iginiit ni Alodia na masaya na siya sa buhay niya ngayon.
Patutsada pa niya sa ex-boyfriend: "Tbh, I think we are happy with our present. Me, I am. Please stop using our past as content."
ALODIA'S MOST RECENT EX-BOYFRIEND
Hindi man pinangalanan ni Alodia ang ex-boyfriend na tinutukoy niya, ipinahiwatig nitong karelasyon niya ang lalaki sometime in 2018.
February 2018 nang opisyal na naisapubliko ang relasyon nina Alodia at Wil Dasovich. Si Wil ay kilalang vlogger at dating Pinoy Big Brother housemate.
Nagpaplano nang magpagawa ng dream house sina Alodia at Will, base sa October 2021 vlog na pinost noon ni Wil.
Pero noong November 2021, kinumpirma ni Alodia na break na sila ni Wil matapos ang makailang-beses na sinubukan nilang magkaayos. Hindi naman sinabi ni Alodia ang eksaktong dahilan ng hiwalayan nila ng nobyo noon.
Sa kasalukuyan, masaya na si Alodia sa piling ng fiancé niyang si Christopher Quimbo.
Si Wil naman ay napapabalitang karelasyon ang aktres na si Carla Humphries, pero wala pang pormal na kumpirmasyon mula sa dalawa.
Related stories:
- Wil Dasovich, Alodia Gosiengfiao react to cancelled dream house after their breakup
- What #Wilodia did for love: Alodia Gosiengfiao and Wil Dasovich love story
- Alodia Gosiengfiao confirms breakup with Wil Dasovich
- Wil Dasovich posts cryptic message about "moving forward" amid breakup with Alodia Gosiengfiao
- Alodia Gosiengfiao engaged to boyfriend Christopher Quimbo: "May forever!"
- Wil Dasovich posts photo with Carla Humphries; netizens ask, "Gumanti?"
