Nag-react si Bianca Rogoff matapos siyang sitahin ng isang netizen dahil sa pag-attend sa isang party kahit kakamatay pa lamang ng kanyang inang si Cherie Gil.
Sina Bianca at Raphael, na parehong nakabase sa Amerika, ay mga anak ni Cherie sa dating asawang si Rony Rogoff, tanyag na Israeli violinist.
Read: Award-winning actress and primera contravida Cherie Gil dies at 59
Si Cherie, na kilalang “la primera contravida” sa local showbiz, ay pumanaw dahil sa endometrial cancer noong August 5, 2022.
Si Cherie ay nag-relocate sa U.S. noong February 2022 matapos ma-diagnose ang kanyang karamdaman para maging malapit sa mga anak.
BIANCA EXPLAINS HERSELF
Sa kanyang Instagram Story, ipinost ni Bianca ang sagot niya sa isang direct message.
Pagkastigo ng message sender kay Bianca (published as is): “Your mom just passed away and your in a party now?”
May paninindigan ang sagot ni Bianca.
“Absolutely,” tugon niya.
Alam daw ni Bianca na hindi magagalit ang kanyang ina dahil “if you knew her, she’d be the first one to tell anyone to live their life adventurously and joyfully.”
Dagdag pa niya, “Life is sacred and should be valued and honored, and most importantly, lived.”
Buhay raw iyon ni Bianca at hindi siya mabubuhay sa dikta ng iba kung paano siya dapat mamuhay.
“I am grieving and that is similarly sacred—but it is not my job to show you that.
“I love my mother and am allowed to grieve as publicly or privately as I wish.
“I am not here to perform for those who chose to follow me.”
May payo rin siya sa mga hindi gusto ang kanyang ginawa:
“If you’d like to unfollow me, please feel free.
“I will keep enjoying the life my mother gave and granted me.”
Ni-repost ni Bianca ang screenshot na ito na may kalakip na caption.
Marami raw kasing nagmensahe sa kanya, at ang sagot niya sa message sender ang kanyang statement kaugnay ng isyu.
Ani Bianca: “I will not be answering or justifying all the messages in my inbox so please consider this an overall statement for now.”

Noong August 13 ay binanggit ng Cabinet Files na na-cremate na ang mga labi ni Cherie at hinihintay itong dumating sa Pilipinas at dadalhin ito sa farm ng aktres sa Bukidnon.
