PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Prats career downfall after breakup with Heart Evangelista

John Prats says his love for dancing saved him from career downfall.
by Arniel C. Serato
Published Aug 15, 2022
John Prats recalls career downfall after breakup with Heart Evangelista
John Prats on breakup with Heart Evangelista nearly two decades ago: “I felt na bumagsak na yung career ko nung naghiwalay kami ni Heart."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook

Malinaw pa sa isipan ni John Prats ang tila pagkalunod ng kanyang karera nang naghiwalay sila ni Heart Evangelista noong 2003.

Kasikatan daw niya noon dahil sa grupo nilang JCS kasama siya (J), si Carlo Aquino (C), at Stefano Mori (S) ngunit naapektuhan ito dahil sa hiwalayan nila ni Heart.

Kuwento ni John kay Bianca Gonzalez sa “Trust the Process” vlog series, “Nung nag-start yung G-Mik, doon ko na naramdaman yung fame, ang sarap kasi ng feeling…

"Sabi ko nga, ang suwerte ko na naabutan ko nung artista ako na walang cell phone, walang social media.

“Because nung time na yun, feeling ko yung difference nung time noon at ngayon, mas sabik yung fans.

"So, pagka nakikita ka nila, like when we go to Cebu, grabe, as in papasok sa harapan ng hotel namin, punung-puno ng mga kabataan yun.”

Lagi raw problema ng producer kung paano sila iaakyat ng stage kapag may mga out-of-town shows. Ganun din daw pagkatapos ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya may mga decoy raw silang nagsusuot ng kaparehong damit nila sa stage upang iligaw ang fans na kumukuyog sa kanila.

Nagkaroon daw ng problema noong maipareha na siya kay Heart sa ilang proyekto hanggang sa maging sila sa totoong buhay.

Pagpapatuloy ni John, “Dumating yung John and Heart era. Yun naman, ibang genre naman yun, ibang level naman sa buhay ko.

"Kasi parang naging love team, tapos ayun, naggawa kami ng movie, commercials, kami ni Heart.”

Pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon. Umabot lamang ito ng halos isang taon.

Pagbabalik-tanaw niya, “I felt na bumagsak na yung career ko nung naghiwalay kami ni Heart.

"And then, ang show ko na lang nung time na yun is, before kasi may ASAP tapos may ASAP Fanatic, for sa mga bata, mas young.

“Yun lang yung show ko before na sobrang liit na ng [talent fee] ko, once a week lang ako nakikita at nagtratrabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: John Prats opens up about his previous relationships

Nalampasan daw ito lahat ni John dahil binalikan niya ang kanyang first love—ang pagsasayaw—kung saan nabigyan siya ng second chance.

Dagdag niya, “Tapos sobrang nakaka-frustrate kasi nakikita mo yung dating ka-love team mo na ang ganda ng career, tapos ikaw feeling mo na, 'Anong gagawin ko to reinvent myself?'

“And then, dun yung time na na-realize ko na, 'Bakit di ko balikan yung first love ko, which is dancing?' So, sineryoso ko yung pagsasayaw.”

Hanggang sa maging bahagi siya ng Ang Probinsyano mula noong nagsimula ito sa ere hanggang sa pagtatapos ng serye nitong Biyernes, August 12, makalipas ang halos pitong taon.

Read: Ang Probinsyano opisyal nang nagwakas pagkatapos ng pitong taon

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Prats on breakup with Heart Evangelista nearly two decades ago: “I felt na bumagsak na yung career ko nung naghiwalay kami ni Heart."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results