May patutsada si Tim Connor sa mga Pilipinong wala raw magawa sa buhay kundi ang pag-usapan ang buhay ng iba.
Nalalagay ngayon sa sentro ng intriga ang British-Thai entrepreneur na si Tim dahil sa pagkakasangkot nito sa hiwalayan ng mag-asawang Maggie Wilson at Victor Consunji.
Business partners sina Tim at Maggie, na dating aktres at kinoronahang Bb. Pilipinas-Wolrd noong 2007.
Si Victor ang may-ari ng real estate development company na VCDC.
Sinampahan ng kasong adultery ni Victor sina Tim at Maggie.
Read: Maggie Wilson, Tim Connor sinampahan ng kasong adultery ni Victor Consunji
Sa kanyang Instagram kahapon, August 14, 2022 nag-upload si Tim ng larawan niya kung saan tila abala siya sa harap ng kanyang laptop.
Dito ay pinatutsadahan niya ang pagkahilig ng mga Pilipino sa chismis, at kung nagkataong international sport daw ito ay tiyak na maghahakot ng medalya ang Pilipinas.
Buong caption ni Tim: “If gossip (chismis) were an international sport, the Philippines would win medal after medal. [medal emoji]”
View this post on Instagram
Sa location ng kanyang post, mababasa ritong nasa London, United Kingdom si Tim.
Mukhang seryoso rin ang negosyante sa kanyang parinig dahil walang ibang emojis na tumatawa rito. Bukod pa rito, hindi rin siya nakangiti sa larawan.
Noong August 10 lamang, naglabas ng "legal" at “personal” position si Tim ukol sa kinahaharap na kaso.
Pinanindigan niyang “utter rubbish” o basurang kaso ang inaakusa sa kanya.
Saad niya (published as is), “MY LEGAL POSITION: I STAND CLEAR WITH THE ADULTERY CASE THAT HAS BEEN FILED AGAINST ME THAT THESE ARE 'UTTER RUBBISH ACCUSATIONS OUT OF ANGER THAT HOLD NO WATER.'
“MY PERSONAL POSITION: THIS ABSOLUTE TRAIN WRECK MUST STOP ON BOTH SIDES NOW. WATCHING TWO PEOPLE (ONE I WAS PREVIOUSLY CLOSE TO) TRYING TO HARM EACH OTHER NEVER GETS ANYWHERE IN THE BIGGER PICTURE.
“ALTHOUGH IT WOULD SEEM THERE ARE VERY FEW FRIENDS WHO ARE WILLING TO GET ANYWHERE CLOSE TO THIS ISSUE TO THEMSELVES AVOID CONFLICT, DESPITE ME REACHING OUT."
Hinikayat naman niya ang kampo nina Victor at Maggie na magkaroon ng "diplomatic and pragmatic dialogue."
Pinarunggitan din niya ang mga Marites na nag-aabang ng tsismis at hinamon ang mga ito na siya na lamang ang pulutanin sa usapan at huwag ang magkabilang kampong nag-uumpugan,
Dagdag ni Tim: “I WON’T BE LETTING THIS HAPPEN ANY FURTHER AND HAVE ENCOURAGED THE PARTIES TO STOP TEMPORARILY TO MAKE WAY FOR WHAT I HOPE CAN BE DIPLOMATIC AND PRAGMATIC DIALOGUE.
“IF YOU ARE UNHAPPY THAT YOU MAY NOT HAVE GOSSIP OR CHISMIS FOR A FEW HOURS, PLEASE DIRECT YOUR HATRED TO ME AND NOT ANY OTHER PARTY BOTH SIDES.”

Ito ang unang pagkakataon ni Tim na magbigay ng kanyang pahayag sa akusayon laban sa kanya ni Victor.
