PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban, Camille Prats recall "traumatic" weight gain

The two ladies were then called out for being fat.
by Bernie V. Franco
Published Aug 13, 2022
angelica panganiban camille prats
Angelica Panganiban and Camille Prats reveal being called out for gaining weight back when they were doing their teen show G-mik. Angelica says, “Tumatak siya sa akin, naging stigma." Camille adds, "Issue pala siya sa akin.”
PHOTO/S: YouTube (Camille Prats Yambao)

Inalala nina Angelica Panganiban at Camille Prats ang “traumatic” experience nila bilang mga artista noong teenagers.

Kino-call out daw ang atensiyon nila noon kapag nadadagdagan ang kanilang timbang dahil hindi sila magandang tingnan sa screen.

Inamin ng dalawa na naging bubog ito sa kanilang pagkatao, na dinala nila hanggang paglaki.

Naranasan daw nila ito noong G-mik days, isang youth-oriented show na umere sa ABS-CBN mula 1999 hanggang 2002.

Bukod kina Angelica at Camille, tampok din dito sina John Prats, Carlo Aquino, Stefano Mori, Heart Evangelista, at marami pang iba.

Hindi tinukoy nina Angelica at Camille kung sino ang pumupuna sa kanila.

Ito ang naging topic ng dalawang magkaibigang aktres sa YouTube vlog ni Camille nitong August 11, 2022.

Si Angelica ay nananatiling Kapamilya, pero hindi aktibo sa ngayon dahil kasalukuyan siyang buntis.

Si Camille naman ay homegrown talent ng ABS-CBN, pero lumipat sa GMA-7, kung saan 16 years na siyang contract star ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WEIGHT ISSUE

Si Camille ang unang nag-bring up ng topic.

“Grabe din, ‘no? Iba pala talaga yung mga bagay na nire-require ng industriya,” sabi niya.

Nag-iyakan daw sila noon ni Angelica nang nakatanggap sila ng notice (sa pamamagitan daw ito ng sulat) para ipaalam na nadagdagan ang kanilang timbang.

Sila ay edad 15-16 anyos noon.

Hirit ni Angelica: “Sis, hindi nila ako pinag-taping, di ba? May isang taping hindi na ako… parang, ‘Pahinga muna siya ngayon…’ para daw matauhan ako sa katawan ko.”

Ani Camille, hindi raw nila iyon lubusang naiintindihan noon.

At dahil sa nature ng kanilang trabaho, nagbibigay-saya sa kanila ang pagkain.

Pakiramdam daw ni Angelica ay may mali sa kanya kapag hindi nasiyahan ang ibang tao sa kanyang weight.

Sabi niya, “Medyo masakit yun, ano. Parang growing up, alam mo may trauma siya, ha.

“Hanggang ngayon parang, like may check-up ako dahil buntis ako. Sasabihin, ‘O, nagi-gain ka ng weight, hindi okay,’ nasasaktan ako…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sundot ni Camille, naging personal sa kanila ang ganitong pagpuna.

Dagdag ni Angelica: “Yung atake sa akin parang may mali talaga akong ginagawa, pag sinabi sa akin na malaki ako ngayon.

“I take it personally pag sinasabi yun sa akin kasi nga ganoon ako lumaki.

“Tumatak siya sa akin, naging stigma. Na parang may mali pagka di mo napi-please ang mga tao. Hindi pasado sa kanila.

"Masakit yun, a.”

angelica panganiban camille prats

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumang-ayon si Camille.

Mabuti na lang daw ngayon ay nagkaroon na ng pagbabago sa nasabing isyu, lalo’t ipino-promote ngayon ang self-love at body positivity kahit ano pa ang pigura at itsura ng isang tao.

Sana raw ay noon pa ito binigyang-diin.

“May mali ba pag mataba ang isang tao? Di ba? Ikaw ba ay healthy? Paano mo nasabi na ikaw ay healthy,” ani Angelica.

Dugtong ni Camille: “It was really such a big deal.”

Ibinahagi ni Camille na ikinukuwento niya ito sa isang tao at bigla siyang humagulgol.

“Na-realize ko issue pala siya sa akin. Hindi ko na-realize na all this time pala, struggle ko pala siya.”

BEING COMPARED TO OTHER CELEBS

Nakuwento rin ni Angelica na ikinukumpara sila noon sa ibang kapwa artista.

“’Tapos kino-compare ka sa ibang babae. Pati yung boobs, ha, di ba?” ani Angelica.

“Nung kabataan natin nung G-mik days kasi, dun na tayo nagdalaga, e, di ba, na parang, ‘Bakit ang laki ng boobs mo, si Camille naman hindi.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na parang may mali ba sa amin?”

Naging conscious daw si Angelica kaya nagpahaba siya ng buhok para takpan ang kanyang dibdib.

“’Tapos nagkuba-kubaan acting ako para di napapansin. May impact siya.

“Mga impakta talaga iyang mga… hahaha!” ani Angelica.

Bagama’t natawa ay sinang-ayunan ni Camille ang tinuran ni Angelica.

Sabi pa ni Angelica: “Dapat matagal nang nauso ang linya kong nag-meme, ‘Ano bang pakialam mo?’” na tila patutsada sa mga kritiko ng kanilang pigura.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban and Camille Prats reveal being called out for gaining weight back when they were doing their teen show G-mik. Angelica says, “Tumatak siya sa akin, naging stigma." Camille adds, "Issue pala siya sa akin.”
PHOTO/S: YouTube (Camille Prats Yambao)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results