Namayapa na ang Philippine track and field legend na si Lydia de Vega sa Makati Medical Center, Martes ng gabi, August 10.
Siya ay 57.
Ito ang inanunsiyo ng kanyang anak na si Stephanie Mercado de Koenigswarter sa pamamagitan ng Facebook, bandang 11:30 ng gabi ngayong Miyerkules, August 10.
Ayon kay Steph, lumaban ang kanyang ina sa sakit nitong kanser at ngayon ay payapa na.
Humiling din siya ng dasal para sa kaluluwa ng namayapang ina.
Buong post ni Steph: “On behalf of our family, it is with absolute grief that I announce the death of my mother, Lydia De Vega this evening, August 10, 2022, at the Makati Medical Center.
“She fought the very good fight and is now at peace.
“Wake details will be announced very soon but for now, I would wholeheartedly appreciate your prayers for the soul of my mother [praying hands emoji]
“Maraming salamat po! [green heart, praying hands emojis]”
July 20, 2022 nang ipinaalam ni Steph sa publiko na nasa kritikal na kundisyon ang ina dahil sa kumplikasyon ng Stage 4 breast cancer nito.
Kahit ilang operasyon na raw ang pinagdaanan ng dating atleta, kabilang na ang brain surgery, hindi pa rin bumubuti ang kalagayan nito.
Kasunod nito ang pagdagsa ng tulong para sa gamutan ng ina.
Read: PH track and field legend Lydia de Vega in critical condition due to cancer
Tinaguriang "Asia's fastest woman" si Lydia noong kasikatan niya noong dekada '80.
Nakapag-uwi siya ng samu't saring mga medalya mula sa iba't ibang kumpetisyon—Asian Athletics Championships, Asian Games, at Southeast Asian (SEA) Games.
Isa si Lydia sa naging flag bearers sa idinaos na 2019 SEA Games dito sa bansa.
